Matteo takot na takot kay Mommy Divine, may promise kay Sarah kaya ayaw umamin


Super tipid namang sumagot ni Matteo Guidicelli every time natatanong siya sa love of his life ngayon na si Sarah Geronimo sa presscon ng Biggest Loser.

Kahit anong pilit ay  ayaw magsalita ni Matteo sa current state ng relationship nila ng Pop Princess. Kung siya lang daw ang masusunod gusto na raw niyang magsalita, now na.

Pero  marami raw reasons kaya ‘di niya pwedeng sabihin kung bakit ‘di niya masagot ng diretso ang tanong tungkol sa kanila ni Sarah.

Although ‘yung mga taong nasa paligid naman ang nagko-confirm na sila na talaga. At ‘di naman itinatago ni Matteo na masaya siya ngayon.

“Gusto ko talaga sabihin, e, pero I just wanna respect other people also. I just wanna respect their families, my family, and everything,” lahad ni Matteo.

Reading between the lines, tila may kinalaman na naman ang mga magulang ni Sarah sa ‘di nila pag-amin. Marahil, ang nanay na naman ni Sarah ang dahilan kung bakit hindi maibandera ni Matteo sa buong mundo ang pagmamahal niya kay Sarah.

Takot lang siguro ni Matteo na umamin, huh!

( Photo credit to Google )

Read more...