Mananatiling Kapa-milya ang itinuturing na pinakasikat at pinakatiniti-liang teen stars ngayon na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Enrique Gil at Julia Montes matapos silang mag-renew ng kani-kanilang kontrata sa ABS-CBN noong Huwebes.
Kinumpirma ng tinaguriang Teen King and Queen na sina Daniel at Kathryn na muli silang bibida sa big screen sa pagsasapelikula ng bestselling pop fiction book na “She’s Dating the Gangster.” Personal na pinili ng may-akda ng libro na si Bianca Bernardino ang sikat na Kathniel tandem.
Samantala, pansamantala munang maghihiwalay ng landas sina Enrique at Julia matapos ang matagumpay na seryeng Muling Buksan Ang Puso para bumida sa magkaibang teleserye.
Isang Julia pa rin ang makakatambal ni Enrique sa bago nitong proyektong Mirabella at ito ay walang iba kung hindi ang showbiz royalty na si Julia Barretto.
Muli namang makakasama ni Julia ang on-screen partner niya sa phenomenal teleseryeng Walang Hanggan na si Coco Martin sa epic drama series na Ikaw Lamang, kasama rin sina Kim Chiu at Jake Cuenca.
Dumalo sa pirmahan ng kontrata ang presidente at CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio, broadcast head na si Cory Vidanes, TV production head na si Laurenti Dyogi at managing director ng talent management and development center na si Mariole Alberto.
( Photo credit to Google )