Coco iwas na iwas kay Maja

Bilang respeto raw kay Matteo

HANGGA’T maaari ay ayaw muna ni Coco Martin na magkasama sila ni Maja Salvador sa isang project, ito’y bilang respeto raw sa nakaengkuwentro niya noon na si Matteo Guidicelli. Ayaw na raw kasi niyang maulit pa ang hindi kagandahang nangyari sa kanila ng aktor.

Two months ago, kung natatandaan n’yo pa, nagkasuntukan nga sina Coco at Matteo sa isang event na ang dahilan nga ay si Maja. In fairness, sa kabila ng naganap na insidente, marami pa ring Pinoy here and abroad ang gusting-gustong makitang magkasama sina Coco at Maja.

Sa birthday presscon ni Coco recently, mismon ang aktor na ang umamin na talagang hiniling niya sa Star Magic na huwag muna silang pagsamahin ni Maja sa mga production numbers.

“Minsan nakukwestiyon ako pagdating sa America kung bakit wala kaming duet ni Maja. Sabi ko, honestly, sa akin, ayoko, kasi alam ko yung pinanggagalingan na selos ni Matteo. Ayoko na maulit yun. At bilang lalaki at bilang tao, sabi ko, ngayong alam ko na, bakit ko pa uulitin yun.

“Ayoko nang makaapak ng ibang tao. Napaka-insensitive ko naman na tao kung alam ko na nga na yun ang pinanggagalingan tapos uulitin ko pa,” esplika ni Coco.

Inamin naman niyang nanghihinayang din siya sa love team nila ni Maja dahil until now nga ay maraming fans ang humihiling sa kanilang tambalan. Pero say ng aktor, ayaw na raw niyang palalain ang sitwasyon.

“Willing ako mag-adjust, huwag lang manyari ulit yung insidente na yun. Si Maja naman may sarili siyang career na maganda. Ako naman, kahit papaano okay naman ako. Kumbaga respeto na lang. Ganu’n ako, eh.

Ayoko gawin sa akin yun ng kapwa ko. Ibibigay ko yung respeto sa kanya. Kasi nung nangyari yun naisip ko bakit kailangang umabot sa ganon? Kaya ngayon mas gusto ko dumistansya huwag lang makaapak ng ibang tao.

Muli namang nilinaw ng aktor ang chika na nagkaroon talaga sila ng relasyon ni Maja pero naudlot lang daw ito, “Hindi naman, wala, wala. Kasi kami ni Maj, pang-ilang soap na namin yung Minsan Lang Kita Iibigin.

Kung ako nagkaroon ng…or sa mga tanong kung bakit ko pinalagpas, sana nung first time kami nagtrabaho. Kasi that time wala pa siyang boyfriend nung una naming pagkakakilala. Ngayon pa na magkaibigan na kami at may boyfriend na siya.”

Tinanong din namin siya kung nakaapekto ba sa career niya ang nangyari sa kanila ni Matteo noon, “Hindi naman, kasi transparent ako. Kapag galit ako, galit ako. Kapag masaya ako, masaya ako.

May mga bagay kasi na kapag nilabas mo, lalo na ‘pag lalaki, hindi ako nagiisip e. Hindi pa ako kinakain ng showbiz, na parang, kung ano ang nararamdaman ko, yun ang ipinapakita ko. Siguro dumating yung time na yun, wala, tao lang tayo.”

“Nagsisi ako kung bakit kailangang humantong sa ganoong bagay. Pwede namang pag-usapan ng maayos. Kaya lang minsan may mga biglaang sitwasyon na hindi natin maiiwasan. Hindi pa rin kami nagkikita after noong mangyari ang insidente.

Pero para sa akin, that time na humingi siya ng sorry, yun na yun, e. Kinalimutan ko na yun. Nag-move on na ako,” paliwanag pa ni Coco Martin.

Read more...