Nawawala ang mga BF

Sulat mula kay Linda, ng Cuartero, Capiz
Dear Sir Greenfield,
Nagtataka ako kung bakit kapag malapit na ang birthday ay nawawala ang mga boyfriend.  Marami na rin akong naging boyfriend.  Marahil sa hirap ng buhay ay nawawala na lang sila kapag malapit na ang bithday ko.  Ngayon ay wala akong boyfriend kaya’t malungkot ang lovelife ko.  Madali naman akong magka-boyfriend.  Pero, walang tumatagal.  Bakit po kaya ganoon?  Magkakaroon ba ako ng boyfriend na hindi na mawawala sa piling ko?
Umaasa,
Linda, ng Cuartero, Capiz
 Solusyon/Analysis:
 Palmistry:
Masyado kasing maraming guhit ng Fling na Relasyon sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.), pero wala namang nanatili, buti na lang may isang gumuhit ng malinaw at mahaba, kung saan ang lalaking ito ay nakatakdang dumating sa panahong ding ito (arrow 2.) kaya hindi na magiging lonely ang iyong birthday.
Cartomancy:
Two of Hearts, Jack of Clubs at Three of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking kasing edad mo rin ang darating, bagama’t maikling panahon ka lang niyang liligawan.  Tulad ng dati mo mga boyfriend, madali ding kayong magkakagustuhan.
Itutuloy…..

Read more...