Para sa may kaarawan ngayon: Unang araw ngayon ng Pebrero. Magiging maganda ang buong buwan kung magsusuot ng damit na kulay dilaw. Sa nasabing kulay, madadagan ang salapi habang sa pag-ibig lalong liligaya ang pagmamahalan. Mapalad ang 4, 19, 28, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.”
Aries – (Marso 21-April 19) – Sa taong ito ng 2014 wag magpa-gamit sa ibang tao, sariling kapasyahan mo ang dapat na matupad upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, wag asahan ang kasuyong walang pangarap sa buhay. Mapalad ang 6, 13, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Aum.” Pink at magenta ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Huwag kainggitan ang mga kapit bahay na umuunlad. Mas masarap at mas payapa ang isip ng may simple pero masayang pamilya. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agne-Aum-Manu.” Silver at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Huwag ipam-bayad ang lahat ng pera sa mga pagkakautang. Ugaliin paring mag-ipon kahit na may mga pagkakautang paring hindi nababayaran. Isipin mo, kahit magbayad ka hindi din mababawasan ang mga utang, ang mas mahalaga nadadagdagan ang ipon tuwing akinse at katapusan. Mapalad ang 8, 17, 26, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Akyata-Om-Purana.” Green at brown ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Wag aanga-anga. Sa pinansyal, kapag nakakita ka ng pagkakataong mapagkakaperahan, sunggaban mo agad! Sa pag-ibig, ikaw na ang magsimula upang uminit ang nanlalamig na kasuyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Ngayon na ang panahon upang magbagong buhay. Ibigay ang the best sa anomang ginagawa upang mas mabilis na umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng marami kang utang mahal ka parin niya. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – May malaking halaga ng salapi na mahahawakan! Ngayong panahon ng Animal sign na Horse, dapat kang magnegosyo at mag-ipon. Sa uunlad ka sa produktong may kaugnayan sa kuminkasyon. Sa darating na araw ng mga puso, bitbitin ang kasuyo sa isang romantic na lugar. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Sa taong ito ng Animal sign na Horse, habang gumanda ang pasok ng pera, laging alalahaning mag-tipid at mag-ipon. Sa pag-ibig, isang katabi mong naka-kulay puti, ang may lihim sayong pagnanasa. Sa araw ng mga puso isang romantikong relasyon ang mabubuo. Mapalad ang 7, 16, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Aum.” Green at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Sabihin sa kasuyo na huwag na iwasan ang pagiging ma-angas at ma-epal upang hindi kayo mapahamak. Sa taong ito ng ito ng Kabayo, itigil na rin ang labis na pangungutang kung hindi naman kayang mag-bayad. Mapalad ang 2, 17, 26, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ayena-Aum-Patrenan.” Gold at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Malabong magtatagumpay sa sandaling kung ano-ano ang laman ng isipan. Konsentrasyon sa iisang larangan lang ang dapat. Sa pag-iibig, ipagpatuloy ang pagiging tapat sa kasuyong Aries. Mapalad ang 7, 18, 23, 28, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Green at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Ang pagiging maunawain ang susi ng tagumpay. Unawain lagi ang mga kausap, sila din ang magbibigay sayo ng malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, kapag hindi inunawa ang kasuyo, magtatalo na naman kayo at muling magkaka-galit. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 36, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om-Grehan.” Red at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng marami kang pagkukulang hindi ka nya iniiwan. Magpasalamat rin kay Lord, dahil sa kabila ng mabibigat na pagsubok nakakaya mo ring mabuhay at magpatuloy. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Hindi masamang magpakabait, pero ang masama ay ang magpauto! May babala na isa na namang nagbabait-baitang kaibigan ang mangungutang. Sa pag-ibig, hanggat hindi ka nagpapakatotoo walang true love na darating. Mapalad ang 6, 15, 21, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shati-Pad-Me-Om.” Blue at silver ang buenas.
HOROSCOPE FEBRUARY 01, 2014
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...