Drew Arellano, Iya Villania nagpakasal na

MANILA— Hindi na napigilan at tuluyan ng nagpakasal ang magkasintahan na sina Iya Villania at Drew Arellano ngayong Biyernes.

Mahigit 10 taon din naging magkasintahan ang dalawa bago tuluyan humantong sa altar ang pag-iibigan ng dalawang television hosts.

Ginanap ang pribadong seremonya alas 3 ng hapon kanina sa isang lugar sa Tagaytay City.

Ang sikreto sanang pag-iisang dibdib ng 34-anyos na travel host na si Arellano at 27-anyos na aktres-TV host, ay isinapubliko ng singer na si Paolo Valenciano matapos nitong i-post sa kanyang Instagram account ang ilang larawan ng kasalan.

Read more...