Construction Safety Training

ISA po akong contract worker sa Malaysia. Narito ako ngayon sa Pilipinas at nais ko sanang mag undergo ng occupational safety training dahil ito po ang hinahanap ng aking employer. Saan po ba pwedeng kumuha ng training at magkano naman po ang bayad? Ilang araw din po ito matatapos? Sana po ay matulungan ninyo ako.
Maraming
salamat po,
Anthony Santos
REPLY: Dear Mr. Santos,

Salamat po sa inyong interes na mag-undergo ng training ukol sa occupational safety and health.
Ito ay higit na makaka-tulong sa inyo, hindi lamang para mas umangat ang inyong position o matanggap kayo sa isang trabaho, bagkus mapapanatili pa ninyong ligtas at malusuog ang inyong sarili at mga kasamahan habang kayo’y nagtatrabaho.

Dahil construction worker po kayo, ang dapat ninyong kunin ay ang Construction Safety Training. Ito ay mandatory para sa lahat ng safety officers sa construction industry dito sa Pilipinas. Tumatagal po ito ng 40 hours.
Maaari po kayong sumama sa training na isinasagawa ng OSHC kung saan magpa-paschedule kayo at magbabayad ng training fee na P3,500. Maaari po kayong tumawag sa 924-2411 para magpa-schedule.

Maaari rin naman po ninyong kunin ang training na ito sa mga accredited safety training organizations (STO).
Ang listahan po ng mga accredited STOs at ang kanilang mga contact details ay nasa aming website – www.oshc.dole.gov.ph Tandaan po lamang natin na doon lamang sa accredited STOs pwedeng kumuha ng training dahil hindi po tatanggapin ang inyong mga certificate kapag ito ay galing sa non-accredited STO.

Mayroon din po tayong ga Occupational Safety and Health Networks (OSHNets) na nagsasagawa ng Construction Safety Training. Meron po nito sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas.
Kung nais n’yo pong kumuha ng training sa kanila, makipagugnayan po sa DOLE Office na pinakamalapit sa inyo.
Maraming salamat po ulit at God bless.
Diana Joy G. Romero,
Information Officer III
Occupational Safety and Health Center

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat
sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

 

Read more...