“Wala naman akong problema du’n. Ha-hahaha! Okay lang naman kasi mag-te-34 naman ako sa birthday ko. Kung mabuntis man ako bakit naman hindi?
“Blessing yun kasi pag nag-35 ako, kung saka-sakaling mabuntis ako, baka mahirapan ako so dumating man siya ngayon or sa pag-35 years old ‘ko, okay lang. Bonggang-bongga, prepared ako. Prepared ako sa kanya!” tawa nang tawang chika ni Juday.
Pero say ng TV host-actress, tama na sa kanya ang tatlong anak, “Okay na yung dagdag pa ng isa. Sa totoo, kung magkaroon ng isa, baka hanggang du’n lang muna kasi yung realidad na ang hirap magpalaki ng bata.
“Ang hirap lalo na sa trabaho naming hindi naman palaging nandirito kami. Lalo na’t pag nabuntis ka wala kang magiging trabaho, pag mataba ka wala ka ring trabaho, pag payat ka naman addict ka. Pero kung sa kaya ba ng bulsa, e, di sige!” say pa ni Juday.
Sa darating na Pasko, walang balak umalis o magbakasyon ang pamilya Agoncillo, “Sa bahay lang kami. Dito lang kasi may MMFF entry kami so naka-focus din talaga kami sa pag-pro-promote ng pelikula namin at saka ngayon ma-e-experience ni Lucho yung pasko talaga kasi nung unang Christmas niya babing-baby pa siya nun eh.
“Ngayon malaki na siya, maiintindihan na niiya yung Christmas tree at Christmas lights. Ngayon nga kagagaling lang niya sa sakit pero magaling na siya. Naglalakad lakad na. makulit pa rin,” esplika pa ni Juday.