Guidelines sa pagkain ng masustansiya

NITONG Miyerkules ay tinalakay natin ang unang bahagi ng mga guidelines ng pagkain ng masusustansiyang pagkain na makakatulong sa pagkakaroon ng healthy lifestyle.

Una nating natalakay ang pitong guidelines, narito naman ang walong iba pa:

8. Ang fats ay hindi masama basta lang “unsaturated”. Ang Monounsaturated fats ay galing sa “plants oils” gaya ng coconut, canola, peanut, olive, nuts, seeds and avocado. Ang Polyunsaturated fats ay puno ng Omega-3 fatty acids ay galing naman sa isda. Meron din Omega-6 fatty acids galing sa corn, soybean, flaxeed and sunflower oils at nuts.

9. Ang unhealthy na “saturated fats” ang siyang nakakatakot. Galing ito sa red meat at whole milk dairy products. Ganoon din ang “trans fats” na maaring manggaling sa margarines, crackers, candies, snack foods, fried foods, baked foods na ginamitan ng “partially hydrogenated vegetable oils”.

10. Ang protina (proteins) ay maaring kunin sa plant foods gaya ng beans, nuts, seeds, peas at tofu o taho. Iwasan ang sobrang protina sa pagkain lalo na kung galing sa karne. Masustansya na panggagalingan ng protina ang isda, white meat gaya ng chicken at turkey, tofu, itlog, beans at nuts.

11. Ang “Organic foods” ay masustansya dahil natural at hindi puno ng hormones, antibiotics, pesticides, at iba pang kemikal na maaring makalason ng paunti-unti sa tao.

12. Sa pagluto at paghanda ng pagkain, madalas ang “healthy food” ay nagiging “unhealthy” kapag sinamahan o binalutan ang mga ito ng asukal, asin at taba (saturated and trans fats). “Processed foods” are generally less healthy.

13. Mahalaga na kunin ang mga Vitamins at Minerals galing sa pagkain at hindi galing sa “Pills”, gamot o droga.

14. Ang kalinisan ng pagkain ay mahalaga, kaya dapat na hinahangad ito parati.

15. Isipin na ang tubig ay kasama sa pagkain.

16. Ang “balanced nutrition”ay hindi lamang pagkain ng iba’t ibang uri kundi pati na rin ang dami nito “portion”. You can eat anything (food) but not everything. Remember food is primarily for nourishment and not for pleasure.

Tanong
mula sa readers:
Good morning, Doctor Heal. Ask ko po sana kung ano ang gamot, may halong nana kasi ang sperm ko? Galing ito sa girl na nakatalik ko. Please help me. — James,22, Davao, …3645

Good day Dr. Heal, Two years na pong lagi akong nahihilo tuwing hapon po halos araw-araw. OK naman po ang blood chem ko. Tumataas din po ang bp ko maski may gamot ako montebloc at Lozartan may nontoxic tyroid po ako Dr. Heal. ano po ang dapat kong gawin? — Joan Nodado, 41, ng Iloilo, ….0824

Inaaanyayahan ko kayong lahat na sumanib dito sa ating kapisanan, ang BARANGAY KALUSUGAN, ang ating magiging ugnayan tungo sa pagpapaunlad ng ating kalusugan. Mag-text sa amin ng inyong mga tanong at sundan kami sa Facebook at Twitter: barangay.kalusugan@yahoo.com.

Read more...