Halata ang kilig kay Sarah Geronimo nang matanong si Gerald Anderson kung ano ang ibibigay niyang rate kung saka-sakaling ligawan siya ng binata.
Hindi kasi makasagot nang diretso ang dalaga and it took her some running around the bush when the question is really that simple.
Napansin rin ng press ang pagiging comfortable ni Sarah sa kanyang “Won’t Last A Day Without You” leading man dahil nakahawak pa talaga siya sa hita ng aktor.
Sabi ni Gerald, mami-miss niya si Sarah dahil masarap itong katrabaho.
“Napakalambing niya. Napaka-sweet niya. Ayaw kasi nitong maniwala kapag sinasabihan siya na maganda siya. Siya ang tipo ng babae na puwede mong dalhin kahit saang mundo,” say ni Gerald.
When asked kung may balak siyang ligawan si Sarah, ipinaliwanag ng actor na iginagalang niya ang naunang pahayag ng dalaga na hindi pa siya handa na pumasok sa isang relasyon sa ngayon.
“Sinabi nga po niya kanina na hindi pa siya ready. Ang tagal kong walang girlfriend. Malapit nang mag-Christmas. Pero ‘yun nga, ‘wag nating madaliin. Sarah is a beautiful girl,” sabi ni Gerald.
Sumabad kaagad si Sarah na “Ready na ako!” Bagay na ikinakilig ng mga fans na nasa presscon ng “Won’t Last A Day Without You” last Saturday.
Ang medyo na-off lang kami ay nang magsabi si Sarah sa harapan ng press na ipinaglaban daw talaga niya ang kanyang first boyfriend.
“Sabi ko nga noon gumawa talaga ko ng paraan para ipaglaban (ang pag-ibig) ko,” say ni Sarah.
We’re not buying her explanation because it does not reek of truth. It was Rayver Cruz who fought for their romance and not her. At one point nga,
Rayver told Sarah that he’s willing to tell Sarah’s mom that they’re in a relationship, pero pinigilan lang ito ng Pop Star at nakipag-break. Ganoon kasi katakot si Sarah sa kanyang ina.
Sarah is hoping na ang kanyang next na magiging boyfriend ay makakatuluyan na niya.
“Next time I fall in love, kailangan patunayan ko muna sa sarili ko na, ‘Ay itong tao ito kaya akong ipaglaban sa magulang ko.’ Kailangan ko ring maging maingat.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.