Sulat mula kay Tess ng Barangay
Lilingayon, Valencia City
Problema:
1. Nabuntis ako ng aking boyfriend. Malaki ang problema ko dahil hindi pala niya ako pakakasalan. Ang akala ko ay pakakasalan niya ako. Nang mabuntis na ako, inamin niya na may asawa siya at may pamilyang binubuhay. Ngayon ko lang nalaman na demonyo pala ang boyfriend ko dahil ang gusto niya ay ipalaglag ko ang bata. Nanindigan ako at hindi ako pumayag sa gusto niya.
2. Ang sabi ng boyfriend ko ay uuwi muna siya sa kanyang probinsiya at kakausapin niya ang kanyang asawa. Ang sabi ng sinungaling na boyfriend ko ay hihiwalayan na raw niya ang kanyang asawa para kami na ang magsama. Gagawin kaya niya ito? Paano kung hindi na siya bumalik?
Umaasa,
Tess ng Barangay Lilingayon, Valencia City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Numerology:
Ang birth date mo ay weak number. Ibig sabihin, ikaw ay nagtataglay din ng weak personality at dahil mahina ang iyong pagkatao, lagi kang lolokohin at iisahan ng mga lalaki. Matatapos ang mga panlolokong ito ng mga kalalakihan kung ikaw ay makakatagpo ng panibagong boyfriend na may birth date na 2, 11, 20 I kaya’y 29. Ang nasabing mga lalaki ang ka-compatible mo na makakasama mo habang buhay.
Huling payo at paalala:
Tess, ayon sa iyong kapalaran, hindi mo makakatuluyan ang kasalukuyan mong boyfriend na may asawa na. Ganoon paman ang pinagbubuntis mong baby sa ngayon ang magdadala sa iyo sa panibagong pag-asawa at masuwerteng pamumuhay. Sa sandaling naisilang mo na siya, mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang kusang mangyayari, kabilang na rito ang pagdating ng ikalawang lalaking binata na nagtataglay ng initial na J.A. Ang nasabing lalaki na may zodiac sign na Scorpio ang siya na ngang makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya na nakatakdang mangyari at matupad sa susunod na taong 2015.
Demonyong BF (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...