HOROSCOPE, January 30, 2014

Para sa may kaarawan ngayon:   Wag mong gawing kumplikado ang buhay. Sa pag-ibig, manatili sa iisa at dati ng minahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Libra. Mapalad ang 3, 18, 21, 30, 38, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Red at silver ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—  Disiplinahin ang sarili upang matupad ang pangarap! Kung marami kang kahinaan sa iyong sarili paano ka uunlad? Sa pag-ibig, sumunod sa mungkahi ng kasuyo upang lalo pang lumawig ang  pagmamahalan. Mapalad ang 1, 13, 23, 26, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod- He-Vau-Weh.” Orange at white ang buenas.
 Taurus – (April 20-May 20)—  Habang nalalapit ang araw ng mga puso ituloy ang pagiging romantiko upang matupad ang malaon mo ng balak na matikman siya. Sa pinansyal, isa-isang negosyo may kaugnayan sa Valentines malaking halaga ng salapi ang kikitain. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Ang pagdadalawang isip ang magtutulak sa kabiguan. Kikita ng malaking halaga kung ipapatupad agad ang anomang unang pumasok sa isipan. Sa pag-ibig, wag pag-alinlanganan ang pag-ibig ng kasuyong Aqurius. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Blue at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  Itigil muna ang sobrang bait. Alalahaning ang sobrang kabaitan ay isa na ring katangahan. Mas malaking halaga ang kikitain kung iitsapuwera na ang mga taong sumasamantala sayo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Ingatan ang natitirang salapi! Ngayon palang paglaanan na ang nalalapit na araw ng mga puso. Sa pag-ibig at negosyo habang lumalapit ang buwan ng Pebrero lalong magiging positibo ang karanasan. Mapalad ang 6, 10, 29, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla-Om.” Apple green at black ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—   Unahing kumbinsehin ang mga taong nakapaligid sayo, kikita  ka ng malaking halaga sa kanila. Sa pag-ibig, laging purihin ang magagandang katangian ng kasuyo upang ma-appreciate niya ang kanyang value. Mapalad ang 5, 8, 14, 19, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Om-Aum.” Gold at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) —  Disiplinahin ang sarili upang gumanda ang hugis ng katawan. Sa pagkain, iwasan ang pagiging matakaw upang hindi ka masyadong tumaba. Sa pag-ibig at salapi, kasaganaan at maligayang relasyo ang hatid ng isang Virgo. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.”  Lilac at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Mahirap talagang kitain ang pera, kaya sa darating na araw ng mga puso, simpleng selebrasyon na lang ang dapat kasama ang mga mahal sa buhay. Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra:  Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Green at orange ang buenas.
 Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Hindi ka magiging maligaya sa pag-ibig, kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Hindi  sa pamamagitan ng emosyon ka liligaya, kundi sa pamamagitan ng rason at isip. Sa pinansiyal, magkakapera ka habang windang parin ang puso.  Mapalad ang 7, 16, 28, 37, 43 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor.” Yellow at black ang buenas na kulay.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Hindi darating ang suwerte kung puro ka pangarap. Damihan ang pagkilos na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang matiyagang pakikipag-bolahan sa kasuyong Cancer.  Mapalad ang 1, 14, 23, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” Silver t orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  Wag maniwala sa sinasabi ng iba, ipapamahak ka lang nila. Sariling intuition ang paganahin. Sa ganyang paraan, sa pag-ibig maiiwasan ang kabiguan, habang sa pinansyal tuloy ang dating ng maraming pera. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Viam-Inveniam-Om”. Blue at silver ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—  Sa pag-ibig may suwerteng hatid ang isang Virgo wag mo na siyang pakawalan. Sa pinansiyal, iwasang ubusin ang salapi sa pagkain. Mapalad ang 6, 18, 24, 40, 46 at 48. Mahiga mong mantra: “Klan-Kun-Shadi-Om.” Violet at red ang buenas.

Read more...