HUMARAP sa entertainment press ang napakaganda at napakahusay nating anak-anakang aktres na si Jodi Sta. Maria (patuloy pa ring napapanood ito sa kaniyang toprated morning serye sa ABS-CBN na Be Careful With My Heart) dala ng pagpirma nito ng kontrata as endorser ng Flawless.
“I’m so happy to be the newest member of the Flawless family,” Jodi says. “Of course, I’ve been hearing about it for years now at nakikita ko rin yung mga clinics nila sa malls at sa mga ads pero it was only last year when I actually started going to their clinic,” she adds.
“Siyempre sa trabaho natin, madalas puyatan talaga tapos madalas pa nakatapat ka sa maraming ilaw or naaarawan ka,” she further claimed kung paano natutulungan ng Flawless ang kaniyang skin to still glow despite her demanding schedules.
“Di lang naman iyon ang ginagawa ko. Aside from my work, I take care of Thirdy (her son sa ex-husband niyang si Pampi Lacson) rin tapos I’m studying pa ang running my own business, so really, my schedule can sometimes get the best of me talaga. In other words, malakas maka-haggard.
“Doon ako super-thankful sa Flawless especially sa Cell Booster Infusion Mask nila. Grabe! You really look and feel very fresh after the treatment. The mask itself contains apple growth factors which really nourish the skin.
So, after the treatment, kita mo talagang mas makinis ang face tsaka mas tight. Perfect siya sa mga super-hectic na tao na naghahanap ng treatment ng instant ang effect,” pagmamalaki pa ni Jodi.
Jodi pala is taking up Medicine kaya lang nakalimutang itanong ng press kung saang school siya naka-enroll. “Kahit noong bata pa ako pangarap ko na talagang maging doktor kaya lang, maaga kasi akong nag-artista kaya medyo na-delay ang pag-aaral ko.
Pero ngayon ay sisiguraduhin kong makakatapos na ako,” she promised us. Iwas na iwas naman si Jodi na pag-usapan ang tungkol sa relasyon nila ni Jolo Revilla, puro ngiti at tawa lang ang isinasagot ng magaling nating aktres kapag si Jolo na ang pinag-uusapan.
Marahil, gusto lang talagang gawing “private” ni Jodi ang kanyang lovelife.