Marian, Jennylyn tumba agad kina Angel, Daniel at Kathryn


UNANG sigwada pa lang ng labanan ay “Luz Valdez” (read: talo) na kaagad ang GMA 7 sa ABS-CBN. Sa lumabas na Kantar Media/TNS National rating for Jan. 27 ay tinalo ng Got To Believe (29.8%) ang Carmela (14%). The Legal Wife got  21% vs Rhodora X’s 11%.

Sa AGB Nielsen Mega Manila Household naman ay nagwagi rin ang The Legal Wife which got 23.9 against Rhodora X’s 15.8. Tinalo rin ng Got To Believe (28%)  ang Carmela (18.1%).

Again, unang sigwada pa lang ‘yan, ha, pero nakatikim na kaagad ang Siyete ng bagsik mula sa Dos. So, wah epek pa rin ang kaliwa’t kanang promo blitz ng Siyete sa soap opera nina Marian Something and Jennylyn Something.

Let’s see kung this week ay manalo kahit isang beses man lang ang Carmela at Rhodora X sa mga teleserye ng ABS-CBN.
Teka, hindi ba’t binigyan ng GMA ng Primetime Queen moniker itong si Marianita.

But what happened? Hindi ba talaga niya mapanindigan ang kanyang titulo?

( Photo credit to Google )

Read more...