Andi pumayag magkontrabida kay Anne sa Dyesebel


Si Andi Eigenmann na ang gaganap na kontrabida ni Anne Curtis sa seryeng Dyesebel under Dreamscape Entertainment. Walang arte-arteng tinanggap ng aktres ang nasabing proyekto kahit na nga hindi siya ang bida rito.

Kasalukuyang umeere ngayon ang afternoon series na pinagbibidahan ni Andi, ang Galema: Anak ni Zuma, pero hindi pa nga ito tapos ay magsisimula na siyang mag-taping para sa Dyesebel.

Siya ang gaganap na Betty, ang makakaagaw ni Dyesebel (Anne) kay Fredo (Gerald Anderson). Wala raw problema kay Andi kung maging kontrabida siya ni Anne, “Nu’ng narinig ko kung anong role yung gagampanan ko, na-excite ako.

“Naisip ko na this will be a good idea because I’m very passionate about what I do and portraying the role of Betty na kontrabida kay Ms. Anne, mas may maipapakita ako na iba naman na kaya kong gawin,” chika ni Andi sa interview ng ABS-CBN.

( Photo credit to Google )

Read more...