Heat dinaig ang Spurs


MIAMI — Umiskor si Chris Bosh ng 24 puntos mula sa 9-for-10 shooting habang si LeBron James ay nagdagdag ng 18 puntos para pangunahan ang Miami Heat sa pagdomina sa San Antonio Spurs, 113-101, sa kanilang NBA game kahapon.

Nag-ambag naman si Mario Chalmers ng 16 puntos para sa Miami, na ginamit si Dwyane Wade bilang reserve sa unang pagkakataon magmula noong Enero 6, 2008. Si Wade — isang All-Star starter muli ngayong season — ay hindi nakapaglaro para sa two-time defending champion Miami sa kanilang huling apat na laro dahil nagpapagaling ito mula sa kanyang knee injury.

Siya ay nagtala ng walong puntos at limang assists sa 24 minuto. Si Michael Beasley ay nagtala ng 12 puntos, si Norris Cole ay nag-ambag ng 11 puntos at si Ray Allen ay nagdagdag ng 10 puntos para sa Miami.

Pinangunahan naman ni Tim Duncan ang San Antonio sa kinamadang 23 puntos. Nagdagdag naman si Boris Diaw ng 15 puntos habang si Marco Belinelli ay nagdagdag ng 12 puntos para sa Spurs.

( Photo credit to INS )

Read more...