Daniel diring-diri paghinahalikan ni Karla sa harap ng maraming tao


Diring-diri pala si Daniel Padilla kapag hinahalikan pa siya ng kanyang ina na si Karla Estrada. Feeling siguro ni Daniel binata na siya at ‘di na baby kaya nakakahiya nang makitang kini-kiss pa siya ng mama niya.

Kahit sa Papa Rommel niya ‘di na rin daw siya kumi-kiss. Kaway-kaway na lang daw sila sa isa’t isa kapag nagkikita. Naiintindihan naman ‘yun ni Rommel since pareho silang lalaki.

But for sure, iba naman ‘yung kapag nakakakuha ng kiss sa Daniel sa kalabtim niyang si Kathryn Bernardo. May halong kilig syempre ‘yun na madalas niyang matikman sa primetime teleserye nilang Got To Believe.

In fairness, araw-araw nagte-trening sa social media ang serye ng ABS-CBN, no wonder may ibang katapat na show ang gustong i-preempt ang kwento ng love story nina  Joaquin (Daniel)  at Chichay (Kathryn).

Talagang may Kathnielmania na all over the world!

( Photo credit to Google )

Read more...