KUMBINSIDO ka bang si Noynoy Aquino ang sagot sa ating mga problema? Kaya ba niya ang santambak na suliranin ng bansa? Kaya ba niyang mas patatagin ang ekonomiya sa kabila ng pandaigdigang krisis sa pananalapi at negosyo? Kaya ba niyang pigilin ang gulo sa Mindanao (ang sabi niya’y pag-uusap ang paraan, na ginagawa na at nauudlot lamang kapag may inakusahang lumabag sa kasunduan)? Nagkaroon ba siya ng “political will,” na kanyang isusulong pag naging pangulo, nang siya’y manungkulan bilang kongresista’t senador? Kung si Noynoy nga ang pag-asa, ipadama agad. Sagot na.
READ NEXT
Driver ka rin ba? (Part 3)
MOST READ
LATEST STORIES