Mananalo sa eleksyon (2)

Sulat mula kay  Mr. Libra ng Lapasan,
Cagayan de Oro City
Problema:
1.      Sa ngayon po ay nagbabalak akong kumandidato sa susunod na eleksyon kaya labis ang paghahanda ko.  Kapag ako’y manalo ay tiyak na mag-iiba ang aking buhay.  Nababahala ako dahil ako’y nabibilang sa minorya.
2.    Hindi ako malakas sa administrasyon, sa nakaupo.  Sa palagay ninyo, kahit nasa mahina pang grupo ako ay mananalo kaya ako sa susunod na eleksyon?  Nakasaad ba ito sa aking kapalaran?  Ako’y isinilang noong Oktubre 10, 1971.
Umaasa,
Nitoy ng Buenaflor, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing sa tulong ng mga alalay mo na may zodiac sign na Taurus, Aquarius, at Gemini ay  tiyak ang magaganap, maraming maniniwala sa inyong plataporma na “pagbabago.” Sa ganyang adhikain, tuluy-tuloy na kayong magtatagumpay.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsabing simula ngayon, umpisahan na ang pagpapakilala at pakikisalamuha, o laging maglalabas ng bahay at tumulong sa inyong mga kabarangay.  Makikita mo pagsapit ng araw ng eleksyon, higit na mananaig ang inyong grupo kaysa sa inyong mga kalaban.
Luscher Color Test:
Dilaw ang pinakamapalad mong kulay o kaya’y pula. Iyan ang gamitin mong uniporme tuwing maglilibot. Sa ganyang paraan, lalakas ang karisma mo sa mga botante, at sa araw ng eleksyon hindi ka nila makakalimutang isulat sa balota.
Graphology:
Upang matiyak ang iyong panalo, bahagyang inobasyon ng lagda ang ipatupad. Sa halip na pasubsob pababa ang dulong bahagi ng iyong lagda ay paangat paitaas ang dapat. Sa ganyang lagda, papataas ang dulo, siguradong magtatagumpay ka sa lahat ng iyong hangarin at ambisyon sa buhay.
Huling payo at paalala:
Nitoy, ayon sa iyong kapalaran, nakatakda at hindi na nga maiiwasan ang magaganap— isang sopresa at napakagandang pangyayari ang iyong mararanasan. Ito ay lalamang ka sa iyong kalaban  kaya masasabing ang iyong pagkapanalo ay dala pa rin ng suwerte dahil sa likas mong taglay na magandang kapalaran.

Read more...