HANDANG patunayan ni World Boxing Organization welterweight champion Timothy Bradley Jr. na tunay na siya ang nanalo kay Manny Pacquiao sa kanilang naunang tagisan noong 2012.
Aminado siyang nasasaktan kapag naririnig ang pagdududa sa kanyang kontrobersyal na unanimous decision panalo kay Pacquiao at ang rematch ay magbibigay daan para maipakita uli na kaya niya ang Pambansang Kamao.
“My thoughts going into this fight is that I really know Pacquiao now. I have been in the ring with him so it won’t be anything new. I know what I have to do,” pahayag ni Bradley.
Pormal na inanunsyo ni Top Rank CEO Bob Arum ang rematch noong Sabado nang maayos na ang lahat ng usapin sa pagitan ng dalawang boksingero.
Si Pacquiao ay tatanggap ng $20 milyon habang si Bradley ay mag-uuwi ng $6 milyon sa tagisang nakakalendaryo sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Madaragdagan ang guaranteed prize ng dalawang boxers sa hatian sa kikitain sa Pay Per View. Naayos ang problema kay Bradley nang pumayag siya ng isang taong contract extension sa Top Rank.
“They gave me everything I asked for. I’m not going to get this kind of a deal anywhere else. I’m satisfied and ready to move forward with my career and to fight Manny Pacquiao again,” ani pa ng walang talong kampeon sa Ring TV.
Masaya si Arum na mangyayari ang rematch kasabay ng babala kay Pacquiao na hindi ito madaling laban. Galing si Pacquiao mula sa unanimous decision panalo kay Brandon Rios pero matindi rin ang panggagalingan ni Bradley na tinalo sina Ruslan Provodnikov at Juan Manuel Marquez, ang nagpatulog kay Pacquiao sa ikaanim na round sa ikalawang laban niya noong 2012.
“Bradley is a much different fighter since their last meeting. The fight of the year, beating Marquez, he’s going to be much tougher on Manny this time,” wika ni Arum sa Los Angeles Times.
( Photo credit to INS )