Daniel ayaw gayahin si Binoe: Gagawin ko ang style ko!

Ayaw i-limit ni Daniel Padilla ang kanyang sarili ngayong nakagawa na siya ng action movie, ang “Sa Ngalan ng Ama, Ina at Mga Anak”. “Hindi ko ‘yon masasabi sa sarili ko (na action star na ‘ko).

Hayaan na lang nating sila ang magsabi kung ano ang maganda para sa akin. Basta ako gagawin ko kahit ano…hindi naman kahit ano, ‘yung maayos lang,” sabi niya.

Ayaw ba niyang matawag na action star like his tito Robin Padilla? “‘Di ko naman magagaya sila. Hindi naman sa hindi maganda dahil mga idol ‘yan pero kung ano siguro ‘yung style ko ang gagawin ko,” paliwanag pa niya sa presscon ng “Sa Ngalan Ng Ama, Ina at mga Anak”.

Sumaya ang aura ni Daniel when somebody asked him kung welcome sa kanya na magsama sila ng mga Padilla sa isang TV show. “Maganda ‘yon, gusto kong gawin ‘yon.

Magkakasama (kaming Padilla)? Maganda ‘yon. Siguro after itong Got To Believe. Tignan natin kung puwede nating magawan ng paraan,” he said.

Sinabi ni Daniel na comedy marahil ang bagay sa kanila since “Ang Padilla ay puno ng humor. Puno ng humor kami ‘pag kami-kami lang. Me konting action siguro.

‘Yung action siguro dadalhin namin sa sinehan pero ‘yung humor (sa TV).” Tila wala namang pressure kay Daniel ang paulit-ulit na sinasabi ni Robin na siya ang nagdadala ngayon ng pangalan ng mga Padilla dahil siya ang pinakasikat ngayon sa showbiz.

“Tuwing sinasabi po ‘yon ni Tito Robin at nila Papa (na ako ang nagdadala ng Padila ngayon) ay sobrang natutuwa ako. Sobrang effort ang kailangan ko doon para magampanan ko ‘yon.

Masaya po ako at gagawin ko ang lahat,” he told reporters. When asked about his reaction sa pagti-trend palagi ng mga simpleng eksena nila ni Kathryn Bernardo sa kanilang soap opera ay ito ang sagot ni Daniel, “Ewan ko kasi ang feeling ko siguro ‘yon ang balik nila sa amin kasi grabe ang paghihirap namin sa Got To Believe.

Ang hirap dahil lagi kaming walang…lagi kaming for airing, ganyan. Minsan walang oras, ang daming schedule. Pero every scene kahit napakaliit ng eksena ay talagang ginagawa naming nang maayos, hindi lang talagang pucho-pucho lang.”

( Photo credit to Google )

Read more...