HOROSCOPE, January 26, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Makuntento sa kasalukuyang buhay! Upang lumigaya, wag nang hangarin ang mga bagay na wala sa iyo. Sa pag-ibig, kaysa maghanap ng iba ay painitin ang kasuyong nanlalamig at patikimin siya ng matinding romansa. Mapalad ang 1, 7, 19, 26 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Om.” Green at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi dapat mag-apura! Kahit maliit ang kita, darating ang panahong makakaipon ka rin ng malaking halaga. Sa pag-ibig, huwag buntot nang buntot sa kasuyo at kailangang mag-isip ka ng sarili mong pagkakaperahan. Mapalad ang 3, 12, 21, 27, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Niva-Araanam-Kebanam.” Blue at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Planuhin nang mas maaga ang nalalapit na kapaskuhan! Mas makatitipid kung ngayon palang ihahanda na ang pangregalo para sa Pasko. Sa pag-ibig, hintaying mag-bargain ang mga department store bago yayain ang kasuyo na mamali. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tam-Kale-Varam-Om.” Pink at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Huwag ipagkait ang tulong sa iba! Kung lagi kang tumutulong ng walang kapalit lalo kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, matatagpuan ang true love  sa pamamagitan ng pagtulong sa iyong kapwa. Mapalad ang 5, 14, 22, 37, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Sari-Kara-Carya-Om.” Gray at beige ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Bigyan ng sapat na oras ang pamilya! Hindi masamang magpayaman kaya lang dapat mo ring bigyan ng sapat panahon ang mga minamahal. Sa pag-ibig, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung mawawasak naman ang iyong love life? Mapalad ang 8, 16, 25, 34, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om.”  Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa pinansiyal, lalo mo pang pagbutihin ang inaaturga upang umangat nang todo ang kita. Sa pag-ibig, huwag kang kabahan, higit na mas malakas ang iyong karisma kaysa sa iyong karibal. Sa bandang huli, ikaw din ang magwawagi. Mapalad ang 6, 18, 27, 25, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Green at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Tiyak na ang tagumpay! Habang kilos nang kilos, tuloy ang pag-angat ng kabuhayan. Sa pag-ibig, isang nakakikilig na romansa ang magseselyo ng maghapon. Mapalad ang 6, 14, 23, 29, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Pink at yellow ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Panalangin ang susi upang magtagumpay! Magdaos ng isang prayer meeting sa business site upang umangat ang kita. Sa pag-ibig, imbes na kung saan-saang lugar nagde-date, ayain ang kasuyo sa isang bahay-dalanginan. Mapalad ang 7, 19, 25, 36, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Dosya-Om.” Maroon at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Iwasang magdesisyon nang nakabatay sa damdamin! Sa pinansiyal, utak at isip ang magpapayaman sa iyo. Sa pag-ibig, hindi dapat malungkot dahil ang lahat ay lilipas din. Mapalad ang 4, 19, 28, 34, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “This too shall pass!” Blue at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pagiging happy, ang masamang karamdaman ay lilipas. Sa pinansiyal, lalo pang magtipid upang kapag may emergency na pagkakagastusan ay may madudukot ka. Sa pag-ibig, romansa ang pinakamabisang pampalakas ng immune system. Mapalad ang 5, 8, 18, 27, 30, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kastha-Raga-Vaana.” Blue at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi dapat ibinbin ang mga gawain. Kikita  ng mas romansa, mas kailangan pahalagahan ang mga bagay na pagkakaperahan. Mapalad ang 6, 9, 18, 26, 34 at 40. Mahigawa mong mantra: “Aum-Nahatha-Mandala.” Gray at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi dapat pagsungitan ang mga kasama. Kung papairalin ang ugaling sumpungin, paano ka kikita ng malaking halaga? Sa pag-ibig, humingi ng sorry sa minamahal upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om.” Green at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Iwasang maubos ang oras sa mga gawaing walang katuturan! Sa pinansiyal, umpisahan mo nang magtipid upang makaipon. Sa pag-ibig, nagtatampo ang minahamal kaya pagpatak ng dilim ay makipagromansahan upang mawala ang kanyang pagsisintir. Mapalad ang 7, 16, 27, 34, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Niva-Araanam-Kebanam.” Red at blue ang buenas.

Read more...