Angel tinotoo ang sampal kay Maja: Grabe! siyempre masakit!


TINOTOO ni Angel Locsin ang sampal kay Maja Salvador sa isang eksena nila sa seryeng The Legal Wife na magsisimula na bukas sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Actually, nag-trending ang sampalan scene ng dalawa simula nang iere ang trailer ng The Legal Wife. Sa presscon nito kamakaila, sinabi nina Angel at Maja na take one lang ang sampalan nila para hindi na sila masyadong magkasakitan.

Kuwento ni Maja, “Bago kasi i-take ‘yon, sabi ni Direk Rory (Quintos), ‘Gusto ko ibigay n’yo na lahat,’ kasi kung hindi, mag-iilang takes kami.

“So good girl naman kami ni Angel, ginawa naming take one,” chika ni Maja na umaming totoong nasaktan siya sa sampal ni Angel, “Meron bang sampal na hindi masakit? Syempre masakit. Ha-hahaha!

“Pero napag-uusapan naman nang maigi ang mga eksenang ganyan. Tsaka mas magandang ibigay na nga naming lahat ng emosyon sa unang take kesa sa paulit-ulit pa,” aniya pa.

Sa The Legal Wife, kabit ang role ni Maja, “First time ko hong gumanap ng ganitong role. Kung mapapanood n’yo ang character ni Nicole maiintindihan n’yo siya. Mamahalin n’yo si Nicole.”

At dahil tungkol na naman sa masalimuot na pag-ibig ang tema ng kanilang serye, natanong si Maja kung paano ba siya mag-move on after ng isang failed relationship.

“Sa isang relasyon, (kapag) hindi kayo nag-grow…kunwari ako sa character ko, nararamdaman ko na ‘yung ka-partner ko okay, tapos ako di ako naggo-grow, siyempre kahit papano kahit sobra kang magmahal, may ititira at ititira ka sa sarili mo.

“Dapat magtira ka pa rin para sa sarili mo,” sey pa ng dyowa ni Gerald Anderson. Samantala, mas pakikislapin nina Angel Locsin at Jericho Rosales ang engrandeng Chinese New Year party ng ASAP 19 ngayong Linggo sa inihanda nilang makapigil-hiningang production number para sa grand launch ng upcoming primetime teleserye nilang The Legal Wife.

Mas magiging espesyal ang weekend sa bonggang birthday treats na handog ng ASAP 19 para kina Concert King Martin Nievera at ultimate multimedia star Toni Gonzaga.

Bagong taon na puno ng inspirasyon ang hatid sa TV viewers ng world-class production numbers nina Sarah Geronimo at Charice; OPM music icon Imelda Papin, Sheryn Regis, at Yeng Constantino; at Enrique Gil na magpapakilig kasama sina Nash Aguas, Joaquin Lucas Reyes, John Immanuel Bermundo, Grae Fernandez, at Brace Henry Arquiza ng Gimme5.

( Photo credit to Google )

Read more...