Vhong pinatay na sa isang Website; Kapamilya magsasampa ng demanda


UMATAKE na naman ang Tangamilya Fan Page at ang huling biktima nito ay ang Kapamilya star na si Vhong Navarro.
Nasa malubhang kalagayan si Vhong ngayon matapos ngang mabugbog ng anim na hindi pa nakikilalang mga kalalakihan pero sa ulat ng nasabing fan page ay patay na ito as it titled the story “R.I.P. VHONG NAVARRO”.

“Mula sa pamunuan ng TFP NAKIKIRAMAY kami sa mga NAIWAN AT NAULILA NG HOST/COMEDIAN NA SI VHONG NAVARRO.

Wednesday night ng PMUNTA ito sa condo ng isang bayarang babae sa the fort, at sa di malamang dahilan ay iginapos at pinabugbog ito ng isang grupo ng mga lalake.

“KRITIKAL ang naging LAGAY NI VHONG ng sinugod sa ospital, HANGGANG SA DI NA NAKAYANAN NG PATPATING KATAWAN NITO ANG MGA SUGAT NA TINAMO GALING SA PAMBUBUGBOG SA KANYA AT LAGUTAN ITO NG HININGA.”

‘Yan ang entry ng fan page na ang admin ay either walang pinag-aralan o sadyang bobo to-the-max. Enraged, netizens were one in condemning the fan page.

“Kung sino man gumawa nito ang sama ng pag uugali mo. di kami nakikiramay kay vhong dahil di pa sya patay.  sau kami nakikiramay sa may gawa nito kawawa ka naman…vhong navarro is not dead..we love u vhong..sa gumawa nito. condolence sau. kawawa ka naman,” comment ng galit na fan.

“Grabe naman yang TFPII na yan, mga walang puso..kaya until now hindi sila pinagpapala when it comes to ratings eh, kasi mga ganid.. sayang lang sa kuryente kapag pinanuod mo mga palabas ng GMA, haist,” say ng isa pa.

Miffed, one fan wailed, “Mga walang pinagaralan!!!! sunugin sana kayo ng buhay mga kapusutak!!!!” Actually, ang mas mabuting gawin bukod sa i-report ang fan page na ito ay idemanda ang admin nito dahil sa walang basehan at kadema-demanda nilang paninira kay Vhong.

Bumuhos naman ang simpatya kay Vhong Navarro matapos mabalitang nabugbog ito. Nauna na nagpakita ng sympathy si Vice Ganda na kasama niya sa It’s Showtime.

“Nakakaiyak. Nakakapanginig. Nakakapangina,” he tweeted. Isang “#PrayForVhongNavarro for his speedy recovery and safety :(“ naman ang message ni Anne Curtis.

Seeing the photos, nakaaawa talaga ang sinapit ni Vhong. Halos magsara na ang kanyang mga mata. Kailangan pa siyang operahan. Kung sino man ang may gawa nito sa kanya ay kailangang panagutin sa batas.

( Photo credit to Google )

READ NEXT
Going deeper
Read more...