Mananalo sa eleksyon

Sulat mula kay Nitoy ng Buenaflor, Tacurong City
Dear Sir Greenfield,
Sa ngayon po ay nagbabalak akong kumandidato sa susunod na eleksyon, kaya labis ang paghahanda ko.  Kapag ako’y manalo ay tiyak na mag-iiba ang aking buhay.  Nababahala ako dahil ako’y nabibilang sa minorya.  Hindi ako malakas sa administrasyon, sa nakaupo.  Sa palagay ninyo, kahit nasa mahina pang grupo ako, mananalo kaya ako sa susunod na eleksyon?  Nakasaad ba ito sa aking kapalaran?  Ako’y isinilang noong Oktubre 10, 1971.
Umaasa,
Nitoy ng Buenaflor, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Sun Line o Guhit ng Pagsikat at tinatawag din ito na Guhit ng Biglang Suwerte (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kahit na nasa minorya ka, malaki ang pag-asa na ikaw ay mananalo, dahil ang nasabing guhit tulad ng naipaliwanag na ay tanda ng biglang suwerteng darating sayo. Kung baga ang magiging panalo mo ay may kasamang suwerte.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, King of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na halalan ay may tsanka kang manalo at matupad ang iba pang pangarap mo.
Itutuloy…

Read more...