Janno: Grabe! Ako kilabot sa pagiging late!? Hindi naman!

JANNO GIBBS

MARAMING manonood ang natutuwa para kay Janno Gibbs, sunud-sunod na kasi ang mga programa niya sa GMA 7, ibig sabihin lang daw nu’n, matino na siyang magtrabaho.

Nakilala kasi ng publiko si Janno bilang isang “unprofessional” pagdating sa oras. In fairness, lagi na lang kinakabit sa pangalan niya ang salitang “late.” Hindi ba’t ito rin daw ang dahilan kung bakit siya tinanggal sa Eat Bulaga – lagi nga raw kasi siyang late kung dumating sa show.

Pero nagbago na raw ang TV host-comedian kaya naman tuluy-tuloy na ang pagtatrabaho niya ngayon.

Sa presscon ng bago niyang teleserye sa Siyete, ang Paraiso Ko’y Ikaw na magsisimula na sa darating na Lunes bago mag-24 Oras, natanong si Janno kung hindi ba siya napipikon sa isyung ito.

“Hindi, kasi like I said nga, ginagawa ko na rin joke. Ginagawa ko na rin personal joke na, ‘Kapag si Janno Gibbs, late ‘yan.’

“Kaya feeling ng iba, ganoon talaga ako. Pero honestly, hindi naman,” paliwanag ng singer-actor.

Hirit pa ni Janno, “If you’ll ask, yung mga katrabaho ko dati, may mga pagkakataon, pero hindi naman ako notorious for that.

Pero ngayon, honestly, nag-improve na. I think, it comes with age.

“Hindi ko sinasabing matanda na ako, pero habang tumatanda ka, mas relaxed na ako. Di ba, hindi ka na magulo masyado?” paliwanag pa ni Janno.

Kinarir din daw niya ang pagpapapayat para mas maging kaaya-aya naman ang itsura niya sa TV. May pagkakataon kasi na talagang lumobo siya, na isa rin daw sa mga rason kung bakit walang kumukuha sa kanya sa mga soap opera, “Marami pa, marami pang dapat bawasan. Hindi ko naman puwedeng ikaila, e Pero I’m trying, I’m trying my best kung makakaya ko lang.”

Samantala, bukod sa pagiging mainstay sa seryeng Paraiso Ko’y Ikaw na pagbibidahan ng tatlo sa mga promising youngstar ng GMA – sina Kim Rodriguez, Kristoffer Martin at Joyce Ching – si Janno rin ang nag-compose ng theme song nito. Inamin niya na inspired siyang sumulat ng mga kanta ngayon.

In fairness, powerhouse rin ang cast ng Paraiso Ko’y Ikaw, nandiyan ang nagbabalik-Kapuso na sina Joey Marquez at Giselle Toengi, at sina Jessa Zaragoza, Neil Ryan Sese, Maricel Morales, Gabby Eigenmann at ang bagong young actor na si Phytos Ramirez. Ito’y sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.

Read more...