‘Luv U’ sa text

Sulat mula kay Marisa ng Tandag City

Dear Sir Greenfield,

Magulo ang isip ko. Natatakot ako na sisiklab ang matinding away namin ng mister ko. Ang sabi ng mister ko, kaibigan lang daw niya ang textmate niyang babae. Pero, nang basahin ko ang mga messages mula sa babaeng iyon ay mayroong “luv u?” Gusto kong awayin ang asawa ko pero natatakot ako na baka lumayas siya. Natatakot ako na baka isang araw ay bigla na lang niya kaming iwanan. Ano po ba ang dapat kong gawin? May posibilidad po ba na mahiwalay ako sa aking asawa? Sa ngayon po, sakmal ako ng takot at pag-aalala. Maibabalik ba ang dati naming pagmamahalan? May 16, 1981 ang birthday ko at September 1, 1980 naman ang birthday ng mister ko.

Umaasa,

Marissa ng Tandag City

Solusyon/Analysis:

Palmistry:

Huwag kang mag-alala, Marisa, at di ka rin dapat labis na mabahala sapagkat kapansin-pansin na iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kahit na mambabae ang iyong mister, o kahit na may textmate pa siya, sa bandang huli, wala rin siyang magagawa sa itinakda ng kapalaran—mananatiling buo ang inyong pamilya at kayo pa rin ang magsasama habambuhay.

Cartomancy:

Pansamantalang problema lamang ang nais sabihin ng barahang Seven of Spades, habang ang barahang Six of Diamonds at Queen of Heart ay nagsasabing habang nakikipag-bolahan ang mister mo sa textmate niya, lalo naman siyang sisipaging mag-trabaho kaya patuloy ang dating ng maraming pera at maalwang pamumuhay sa inyong pamilya sa darating na mga araw. Itutuloy

Read more...