Para sa may kaarawan ngayon. Higit sa inaasahan ang suwerteng matatanggap na may kaugnayan sa salapi at pag-ibig. Manatiling mapagmahal sa iyong pamilya upang tuluy-tuloy na mahulog ang suwerte mula sa langit. Buenas ang kulay berde at pula. Mapalad ka sa numero ng tubig at apoy, 7, 9, 18, 25, 27, 43 at 45. Ang mahiwaga mong mantra: “Aum, Trium, Savitra.”
Aries – (Marso 21-April 19)— May kakaibang enerhiya kang taglay sa araw na ito upang gapiin ang mga kalaban. Gaganda ang kapalaran kung ang unang gagapiin ay ang sarili. Sa pag-ibig, may sopresang relasyon mabubuo. Sa pinansiyal, may bagong income na mabubuksan. Mapalad ang 1, 8, 28, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Ri-Gama-Padhani.” Red at blue ang buenas na kulay.
Taurus – (April 20-May 20)— Pagandahin ang paligid. Ang aliwalas na kapaligiran ang magdadala ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig, may suwerteng hatid ang isang Libra. Sa pinansiyal, iwasang ubusin ang salapi sa pagkain. Mapalad ang 6, 18, 24, 40, 46 at 48. Mahiga mong mantra: “Klan-Kun-Shadi-Tona.” Violet at pink ang buenas na kulay.
Gemini – (May 21-June 21)— “Kambal” ang tawag sa iyong zodiac sign. Sa araw na ito, kambal na suwerte din ang darating. Sa pag-ibig, hagkan at bigyan ng matamis na halik ang minamahal. Sa pinansiyal, bababa ang graph ng pag-unlad ngunit sa August ay muli kang makakabawi. Mapalad ang 5, 14, 17, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Shadja-Mi-Dhaivata.” Gray at white ang buenas na kulay.
Cancer – (June 22- July 22)— Tubig ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Magandang kapalaran ng darating kung maliligo kang lagi at uminom ng maraming tubig. Sa pinansiyal, isang miyembro ng pamilya ang mag-abot ng malaking halaga. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum, Siddhi, Mori.” Crystal green at yellow ang buenas na kulay.
Leo – (July 23 – August 22)— Maraming hahanga sa iyo sa araw na ito. Ipagpatuloy ang kabutihang ginagawa. Sa pag-ibig, may darating na tukso, mabilis na pag-iwas ang dapat. Sa pinansiyal, iwasang bilhin ang gusto na hindi naman kailangan. Mapalad ang 4, 17, 22, 31, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Arkaye, Savitre Garbaye.” Black at orange ang buenas na kulay.
Virgo – (August 23 – September 22)— Upang lumigaya, unahin ang mga bagay na may kaugnayan sa pamilya. Isantabi muna ang imoral na relasyon. Sa pinansiyal, mag-ipon ng P10 kada araw upang may madukot sa oras ng pangangailangan. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla, Namah, Mitra.” White at silver ang buenas na kulay.
Libra – (September 23-October 23)— Tama ang ginagawa mo, umibig ka lang nang umibig, huwag mo silang pansinin. Sa pinansiyal, isang nilalang na noon pa sa iyo nagmamahal ang magbibigay ng malaking halaga ng salapi. Tanggapin mo! Mapalad ang 6, 19, 28, 33, 42,at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babalam-Kebalam.” Red at lilac ang buenas na kulay.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Magsuot ng kulay na pula sa araw na ito. Kung ikaw ay babae, lalo kang gaganda. Ang magandang aura ang hihigop ng suwerte at positibong kapalaran. Kung ikaw naman ay lalaki, sa pagsusuot ng kulay na pula ay mama-magnet mo ang maraming pera. Mapalad ang 3, 9, 15, 27, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Darshana-Jehana-Charitana.”
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa tulong ng isang Aries, mas madaling makakamit ang inaambisyon sa buhay. Sa pag-ibig, isang Leo ang mapapalapit sa iyo. Sa pinansiyal, kung maghahangad ng dobleng tubo ay malamang na maloko ka na naman. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Sarva-Dustha.” Sky blue at maroon ang buenas na kulay.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Bukod sa salapi ay may dapat ka pang pahalagahan, ang relasyon mo sa mga mahal mo sa buhay. Nakatakda kang yumaman, ngunit aanhin ang materyal na bagay kung hindi naman masaya ang iyong puso? Mapalad ang 4, 8, 17, 29, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ito man ay lilipas din!” Emerald green at dirty white ang buenas mong kulay.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Hindi ka magiging maligaya sa pag-ibig kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Hindi sa pamamagitan ng emosyon ka liligaya, kundi sa pamamagitan ng rason at isip. Sa pinansiyal, magkakapera ka habang windang pa rin ang puso. Mapalad ang 1,19, 28, 37, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor.” Yellow at black ang buenas na kulay.
Pisces – (February 19 – March 20)— “Simplification” ang susi ng tagumpay. Huwag mong gawing kumplikado ang mga bagay. Sa pag-ibig, manatili sa iisa at dati ng minahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Virgo. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 38, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Olive green at silver ang buenas na kulay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.