Angel: Pareho po kami ni Phil, in love!

Hindi man diretsahang inamin ni Angel Locsin na boyfriend na niya si Phil Younghusband, sa mga hu-ling pahayag nito ay parang inamin na rin niyang matagal na silang magkarelasyon ng football player.

Ayaw daw lagyan ni Angel ng label ang kung anumang namamagitan sa kanila ni Phil, “Relasyon? Hindi ko alam. Pero kami ay dalawang taong in love. Yun kami ngayon. Pero relasyon, yun, dalawang in love na tao,” sabi ni Angel sa isang interview.

“Pero sa akin kasi, title lang naman yun. Ang importante, yung happiness na nararamdaman ko kapag kasama ko siya, e, hindi mapapantayan ng kahit na anong title,” dagdag pa ng aktres.

Pahabol pa ni Angel, “Basta, si Phil, sobrang bait talaga. Sobra. Wala akong masabi. And, yun nga, yung masaya ka lang. Basta…iba, iba.”

Read more...