Mariel: Ayoko pang mabuntis, hindi ko kaya…mamamatay ako!


Patungong Europe ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa Pebrero para sa ilang linggong bakasyon, pero bago sila aalis ay magpo-promote muna sila ng pelikulang “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak” na mapapanood na sa Enero 29 mula sa RCP Productions, released by Star Cinema.

Mapapanood sa ilang programa ng ABS-CBN ang mag-asawa para sa promo ng pelikula at nauna na ang interview ni Mariel kay Karen Davila sa ANC kung saan diretso siyang tinanong kung kumusta ang relasyon niya bilang step mother sa mga anak ni Robin sa dati nitong asawang si Liezel Sicangco.

Paliwanag ni Mariel, “They have their mother. I’m just here and there lang.” Bagama’t nakangiti ay halatang hindi type ni Mariel pag-usapan ang tungkol sa nakaraan ng aktor.

Natanong din kung kailan nila planong magkaroon ng anak ni Binoe,  “I don’t want to get pregnant, not yet. I’m not ready, physically, mentally, everything. So many people are pressuring me.

Hindi ko kaya, mamamatay ako. Aso nga wala ako, e,” esplika ng aktres. Masaya naman sila ni Robin kahit walang anak at ginagampanan naman ni Mariel ang papel niya bilang maybahay ng aktor.

Read more...