Tatay ni Angel botong-boto kay Luis: Hindi kasi siya nakalimot kahit hiwalay na kami!


BUMILIB si Angel Locsin sa pagiging consistent ni Luis Manzano sa pakikitungo nito sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ama. At isa raw ito sa mga qualities ng TV host-actor na talagang minahal niya.

Inamin ni Angel na kahit na naghiwalay na sila ni Luis, hindi nagbago ang pagmamahal at pagrespeto ng aktor sa kanyang pamilya, kaya naman nang malaman daw ng kanyang tatay na “nagkakamabutihan” na uli sila ni Luis ay nirespeto agad ang kanyang desisyon.

“Napakaswerte ko sa pamilya ko kasi kahit anong desisyon ko, nirerespeto nila at naiintindihan nila. Si daddy, laging may communication kasi kay Luis ng hindi ko alam, kahit sa mga kapatid ko.

“Isa ‘yon sa mga naa-appreciate ko sa kanya kasi very consistent ‘yon. Kahit hindi kami nagkikita o nag-uusap pero ‘yung pakikisama sa mga taong nagging malapit din naman sa kanya noon, hindi naman niya pinabayaan,” ayon sa leading lady ni Jericho Rosales sa seryeng The Legal Wife na magsisimula na sa darating na Lunes sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Sa presscon ng The Legal Wife natanong si Angel kung ano ang maipapayo niya sa mga tulad niyang dumadaan sa masalimuot na pakikipagrelasyon dahil mukhang isa siya sa mga artistang mabilis makalimot sa mga dating boyfriend.

“Ang sa akin kasi, ang maia-advice ko ho talaga diyan, e, magdasal ho tayo. Mas alam ng Diyos kung ano’ng magandang plano.
“Mahirap naman hong idasal na eto ang gusto kong mangyari.

E, yun palang gusto mong mangyari, hindi naman pala yung mas nakakabuti para sa ‘yo. “Ako kasi, every time na magdadasal ako, tapos may nire-request ako, hindi pala yun ang maganda para sa akin.

So, hayaan ko na lang ang Diyos na magplano ng buhay ko. Tatanggapin ko ho kung ano ang ibigay Niya sa ‘kin. Kasi alam ko naman ho na wala Siyang ibibigay sa akin na di ko kakayanin,” litanya ni Angel.

Samantala, makakasama rin sa The Legal Wife sina Maja Salvador, JC de Vera, Joem Bascon, Ahron Villena, Rio Locsin, Mark Gil, Maria Isabel Lopez, Bernard Palanca at Christopher de Leon, sa direksiyon ni Rory Quintos at Dado Lumibao.

Ito’y kwento ng  pag-iibigan nina Monica (Angel) at Adrian (Echo) na susubukin ng isang pagkakamali. Kaya huwag na huwag palampasin ang pagsisimula ng The Legal Wife ngayong Lunes na sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Read more...