IBOBOYKOT ng call center workers ang afternoon soap nina Pauleen Luna, Rafael Rosell, Camille Prats and TJ Trinidad na The Borrowed Wife.
Galit na galit ang call center agents dahil sa insultong inabot nila sa programa kaya naman sumulat sila sa isang entertainment blog.
“We wrote to express our shock and indignation towards the producers and writers behind GMA’s new teleserye, The Borrowed Wife.
In its pilot episode, the stars of the program made insulting reference to the call center agents with dialogues, to wit: ‘Hindi ako nag-aaral para sumagot lang ng telepono!’ at ‘Pang walang pinag-aralan lang yan.’”
The letter-sender felt the need to “condemn this kind of mockery.” “The nerve of these supposed writers to discriminate against an industry they know nothing about! The gall to belittle an industry with billions in revenues making it one of the chief economic drivers of this country.
“An industry that employs hundreds of thousands of hardworking people who pay billions in taxes to the government. What about them? How much do they know? How much research have they done to make such sweeping, degrading statements?”
Ang daming sumuporta at tumuligsa sa soap ng Siyete. “Never underestimate someone else’s job especially if u don’t have any idea how hard that job is being done.
Pg sinabeng call center, wag sana isipin na it’s all about ‘just’ taking in calls. I think pg naexperience ng mga writers ang pmasok sa mundo ntin, saka lang nla maiintindhan to eh,” Khawen dela Peña reacted.
Sabi naman ni Iriz Bianca dela Cruz, “Akala nila puro petiks lang ang trabaho natin. Na nakaupo lang sa loob ng 8hrs sa nakaaircon. Paulit ulit lang ang ginagawa tas ang laki ng sahod.
Hindi nila alam kung gaano karaming mura at pangmamaliit ang nakukuha natin. Ang yayabang pang sabihin na wala tayong mga pinagaralan. Baka mas mataas pa pinagaralan natin sa mga artista nila.”
From Anna Katrina Sebetero Fernandez, “Hindi lang tayo puro kuda sa call center. At lalong hindi tayo nagpaplamig lng. Ang bawat pagsagot sa telepono at pagresolba sa bawat concern ng customer ay hindi basta-basta.
Hinahaluan namin yan ng TLC. Yung kakausapin mo ung nasa kabilang linya at itatrato na para mong kaibigan. Yung kahit hindi mo sila nakikita at nasa ibang panig man sila ng mundo dapat mo silang pakisamahan dhil customer mo sila.
Subukan nuong mag-apply sa BPO. Try mo ipasa ang initial interview, written exam, typing test at final interview. Try mo i-meet ang mga target. Try mo kainin at lunukin lahat ng mura ng galit na customer.
“Try mo pumasok kahit may sakit ka, bumabagyo at lalo na kapag holiday. Try mo ibuwis ang buhay mo makapasok lamang sa opisina tuwing gabi. Baka di mo kayanin.
At hindi kami mga bobo sa bpo. Mataas ang standard ng mga kompanya na to at magaling kmi kaya kami natanggap. Ayusin nyo ang pagreresearch tungkol samin. Hindi niyo alam ng kalakaran ng industriya na to,” she added.
Paano kaya sasagutin ng PR ng GMA ang iskandalong ito? Nag-uumpisa pa lang ang taon pero nega na kaagad ang soap nila.
Wala bang foresight ang namumuno sa drama at ‘di niya naisip na puwedeng mainsulto ang call center agents sa mga dayalog nila sa soap?
( Photo credit to Google )