Still on the said “bilihan”, pumasok din sa picture ang Globe Telecom at ang latest nga naming nabalitaan ay ang diumano’y pagsali sa bidding process ng San Miguel Group of Companies kabilang na ang Philippine Airlines, headed by Mr. Ramon Ang.
As we write this, may naulinigan kaming interesadong mabili ni Mr. Ang ang 30% ng shares ng GMA. Kaya naman super exciting ito lalo pa’t sa pagpasok ng 2014 ay patuloy na nagpapalakas ng kanilang programming ang network.
May mga bago at malalaking shows na magsisimula before this month ends at tiniyak ng mga nagpapatakbo na mabibigyan ng bonggang projects ang mga top rating stars nila gaya ni Marian Rivera.
Nang maimbitahan kami sa grand presscon ng Rhodora X na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Mark Anthony Fernandez, Mark Herras at Yasmien Kurdi, sobrang positive ang feeling ng mga artista, maganda raw ang bungad ng 2014 sa kanila.
Nang hingan namin sila ng reaksyon sa balitang bentahan ng GMA, masaya nilang sinabi na welcome ito at maganda nga raw itong senyales na mas lalo pang tatatag at bobongga ang Kapuso network.
“Kaya hindi uso ang petiks-petiks sa work. Magkaroon man o hindi ng mga bagong owners ang network, obligado kaming magtrabaho nang maayos,” sey ni Mark Herras.
Tema tungkol sa Dissociative Identity Disorder (DID o sa simpleng term ay ang pagkakaroon ng split personality) ang iikutan ng kuwento ng Rhodora X. Isang malaking challenge na naman ito para kay Jennylyn na gagampanan ang karakter ni Rhodora at ng bad alter ego nitong si Roxanne.
Natanong din namin si Mark kung posible pa bang magkabalikan sila ni Jennylyn, now that they are both single again. Ayon kay Jen, mukhang imposible nang maging sila uli, pero para kay Mark, he’s not closing his doors.
“Ako naman, ang masasabi ko lang, sa ngayon, hindi ko talaga alam. Hindi ko alam ang puwedeng mangyari sa amin ni Jen during half na ng season or patapos na ang show. Kasi ngayon, enjoy kami ni Jen.
“At siguro, hindi ko rin alam kung magkakabalikan o may chance ba… hindi ko pa rin alam. Ayoko rin namang magsalita nang tapos although, sige, nasabi ko na wala akong binabalikang sa ex-girlfriends ko.
Pero tingnan natin, tingnan natin,” sey ni Mark.
( Photo credit to E Santiago )