Andi kay Jake Ejercito: Magdyowa kami, pero wala kaming relasyon!


MAGULO pa rin para sa amin ang set-up ng relasyon nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito (anak ni Mayor Joseph Estrada kay Laarni Enriquez).

Ayon  kay Andi nang makachikahan namin  sa presscon ng  movie niyang “ABNKKBSNPLAko? The Movie” under Viva Films and MVP Entertainment, “We’re a couple, but we’re not in a relationship.”

Kamakailan ay kumalat sa social media ang Instagram picture nila ni Jake na nilagyan niya ng caption na “Couple pic”. Sey ni Andi, “I guess, sinulat ko na siya sa caption ko.

Kung bawal ko naman sabihin ‘yon, sasabihin naman sa akin ni Jake na burahin ko ‘yon, eh.””So I guess we are considered a couple, but then we’re not in a labeled relationship yet, pa rin. Hindi pa rin.

Wala, as long as he’s not based here, hindi magbabago ‘yon,” paliwanag ng aktres. Nasa ibang bansa ngayon si Jake para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, natanong si Andi kung kailan ba matatapos ang binata sa kanyang kurso, “You know, hindi ko rin po talaga alam, kasi it depends kung kailan siya matatapos sa school.

I hope (this year). Kasi palipat-lipat siya ng school…so medyo nalito narin po ako. Hindi ko alam kung this year or next year siya matatapos.”

Siyempre, hindi rin namin pinalampas ang issue sa kanila ng magulang ni Jake, lalo na kay Erap na balitang hindi raw boto sa kanya para sa binata, sey ni Andi, hindi raw siya nababahala, hangga’t alam niyang nagmamahalan sila ni Jake, positibo siyang magiging maayos din ang lahat.

Sabi namin kay Andi, kung talagang hindi boto si Erap sa kanya sana matagal na silang pinagbawalan ni Jake na magkausap at makita pa, “oo nga, e. siguro ibig sabihin lang, nananalo na tayo sa pagpapatunay na wala naman po talaga akong ginagawang masama.”

“And if ever dumating sa point na masabi ko na talaga na we are in a relationship then that just means wala na kaming matatapakan na ibang tao o wala nang masasaktan na loved one, wala nang hadlang,” hirit pa nito.

Sa tingin ba niya, totoong mahal siya ni Jake, “Sa pagpapakita po sa akin. Iyon lang naman po ang pinaka-importante, na ako ang makakita. It doesn’t matter kung ‘di niyo makita. Basta ako, alam ko po ‘yun.”

Samantala, promising ang trailer ng bagong movie ni Andi kasama si Jericho Rosales, with Vandolph Quizon and Meg Imperial na “ABNKKBSNPLAko?” na isang book adaptation mula sa panulat ni Bob Ong book.

Ito ay sa direksiyon ni Mark Meily na ipalalabas na sa Feb. 19 nationwide. Kuwento ni Echo, tiyak na makaka-relate ang halos lahat ng mga Pinoy sa pelikula lalo na yung mga nabuhay noong dekada 80‘, “Sariwain natin ang naging buhay natin noong estudyante pa lang tayo, siguradong magugustuhan n’yo ang pelikula, tatawa kayo, mai-inspire kayo, iiyak, and I assure you na gagaan ang loob n’yo pagkatapos ng movie.”

Kasama rin sa “ABNKKBSNPLAko? The Movie” sina Giselle Sanchez, Juli Diaz, Paul Jake Castillo at marami pang iba. Showing na ito sa Feb. 19 kaya go, go, go!

( Photo creit to E Santiago )

Read more...