Gabby: Hindi ko pa kilala si Piolo

Nakapagtataka na sa tagal ng itinakbo ng relasyon nina Piolo Pascual at KC Concepcion ay hindi pala nagawang ipakilala ng TV host sa amang si Gabby Concepcion ang boyfriend o ex-boyfriend niya.

Tinanong si Gabby kung ano ang reaksyon niya sa magulong takbo ng relasyon ni KC, “Oo, nababalitaan ko, on and off. Pero ganu’n talaga, may mga pinagdadaanan ‘yung dalawa.

Pero parang okay naman sila. Kasi the last time na nakausap ko si KC, nu’ng birthday ko, binati niya ako tapos nabanggit nga niya na isa siya sa kakanta sa SEA Games sa Indonesia.”

“Well, normal ‘yun, dinadaanan sa relasyon iyon ng isang tao at kailangan maranasan natin iyon. It’s better to have love and lost, than never to have loved at all,” katwiran ni Gabby.

Tinanong din namin kung ano ang masasabi niya sa balitang parating pinaiiyak ni Piolo si KC? “In a relationship, may ganu’n talaga, hindi maiiwasan ‘yun and you have to always work on it, di ba? So kung umiiyak siya o hindi, hindi ko naman nabibilang na ‘yun,” say pa.

“Hindi ko kilala si Piolo simula’t sapul. Hindi naman kami nagkakaroon ng dialogue. Wala naman kaming pelikula, kaya walang dahilan para magkaroon kami ng pag-uusap,” pag-amin ni Gabby.

Read more...