Phil ander de saya kay Angel

Lahat daw ng gusto nasusunod

NAGKAHIWALAY pala sina Phil Younghusband at Angel Locsin nang hindi namalayan ng media?

Aksidenteng naitsika sa amin ng isang taga-ABS-CBN na nag-break pala sina Phil at Angel pero nagkabalikan din agad dahil hindi raw kaya ng binatang atleta na mahiwalay sa aktres.

“Hindi boto ang kamag-anak ni Phil kay Angel kasi na-witness nila kung paano talakan ni Angel si Phil.

May mga bagay silang hindi pinagkakasunduan at parating si Phil ang sumusuko.“Tapos binabago ni Angel si Phil in terms of pananamit so, feeling ng mga kaanak ni Phil, ander de saya siya kay Angel,” kuwento ng aming source.

Kinausap nga raw ni Phil ang mga kamag-anak niya at sinabi niya na mahal na mahal niya ang dalaga at hindi niya kayang mawala ito sa buhay niya at siya naman daw ang makikisama sa aktres.

At dahil sobrang in-love raw ngayon si Phil kay Angel ay nakipag-usap ito nang masinsinan sa aktres, at dahil in-love rin naman ang leading lady ni Vhong Navarro sa Toda Max sa Azkals football player ay muli silang nagbalikan.

Kung totoo ang tsikang ito, ibig sabihin ay nagbago na ang panuntunan ni Angel pagdating sa pag-ibig?  Dahil ang alam namin kapag nakipaghiwalay siya ay wala nang balikang magaganap?

Sabagay, sino ba naman ang hindi mai-in love nang todo kay Phil na sobrang bait at sobrang understanding pa raw. Hindi raw nahihiya ang football player na ipakita kay Angel ang pagmamahal niya maski na maraming tao at ilang beses na raw niya itong pinatunayan.

At saksi pa si direk Cathy Garcia-Molina na pagiging down to earth ng binata, at marunong din daw itong makisama. “There was a time na dumalaw ako sa shooting ng ‘In The Name Of Love’, ‘yung movie nina Aga (Muhlach) at Angel, naabutan ko si Phil, nagluluto ng pasta for Angel.

“Kumuha siya ng table at nagluto roon, so kami nanonood sa kanya habang nagluluto siya, nakakakatuwa si Phil kasi sobrang marespeto at talagang mahal niya si Angel,” paglalarawan ng director sa boyfriend ng aktres.

At huli na ng naisip ni direk Cathy na, “Ay, ang daldal ko, puwede ko bang ikuwento ‘yun?  Hala, baka sabihin ni Angel, dinaldal ko sila,” sabay tawa nito. So, literal na sobrang haba ng hair ni Angel, huh?

Suwerte niya kay Phil kung ganu’n at masuwerte rin naman ang binatang Azkal sa dalaga ,‘no!

Read more...