Ikalawang 'Japan' | Bandera

Ikalawang ‘Japan’

Joseph Greenfield - January 22, 2014 - 03:45 AM

Sulat mula kay Kristina, ng Barangay Silop, Surigao City
Dear Sir Greenfield,
Nagtrabaho na ako noon sa Japan pero hindi ako Japayuki.  Walang kaugnayan sa pagpapasaya ng mga Hapon ang aking trabaho.  Kumita naman ako kaya’t may naipundar din naman.  Pero, natapos ang aking kontrata kaya balik-Pinas ako.  Balak kong bumalik sa Japan dahil wala nang trabaho dito sa Pinas.  Nagulat ako na napakahirap na palang mag-apply sa mga trabaho sa Japan.  Mahigit isang taon na akong naglalakad ng papeles.  Makakabalik pa kaya ako sa Japan?
Umaasa,
Kristina, ng Barangay Silop, Surigao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw namang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sabihin basta’t magtiyaga-tiyaga ka lang at huwag magsasawang mag-follow-up ng iyong mga papeles ay darating ang takdang panahon ay mare-relase din ang visa mo at maluwalhati kang makakabalik sa Japan.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, King of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang naglalarawan ng susunod na mga pangyayari: “Makapagdya-Japan kang muli sa tulong ng lalaking mas matanda sa iyo at ang nasabing pagdya-Japan ay nakatakdang maganap sa ika-siyam na buwan ng 2014.”

Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending