Ai Ai ‘diring-diri’ pag pinag-uusapan si Kris; inis kay P-Noy


Kasumpa-sumpa ang ginawa ni Kris Aquino kay Ai Ai delas Alas. Actually, parang diring-diri na si Ai Ai na pag-usapan pa si Kris matapos ang pangdededma nito nang mamatay ang madir ng komedyante.

Taon na ang binilang ng friendship ng dalawa at ilang beses nang nasubukan pero this time ay parang may period na.
Sa isang interview ay ayaw nang pag-usapan ni Ai Ai si Kris.

Ni ayaw nitong mag-comment man lang sa taklesang TV host. Reading between the lines, parang isinumpa na niya si Kris.
Actually, hindi lang yata kay Kris imbiyerna itong si Ai Ai.

Pati kay P-Noy ay inis na inis rin ito. Matapos nga naman siyag magamit-gamit sa kampanya nito noong eleksyon ay deadma rin ito nang mamatay ang kanyang ina.

Siguro ngayon ay mag-iingat na lalo ang Concert Comedy Queen sa pakikipagkaibigan sa kapwa niya celebrities. Nadala na kasi siya kay Kris dahil sa ginawa nito sa kanya.

( Photo credit to Google )

Read more...