Alden tinuruan ni Marian kung paanong humalik ng ‘masarap’


Ibang-ibang Alden Richards ang mapapanood sa bagong teleserye ng GMA na Carmela kung saan makakasama niya ang Primetime Queen na si Marian Rivera.

Dito raw talaga masusubok ang kanyang akting dahil bukod sa mga maiinit nilang eksena ni Marian ay makakaharap din niya ang ilan sa premyadong aktor sa local showbiz.

“Masasabi ko pong ibang Alden na po kasi ibang leading lady, mas malaking star. Tapos ibang akting na po ang gagawin ko dito sa soap na ito,” anang binata.

Base sa trailer ng Carmela, mukhang magiging kontrobersiyal din ang tema nito, pati na rin ang loveteam nina Marian at Alden. Marami ang nagsasabing refreshing ang tambalan ng dalawa,  “Naku, salamat po.

Alagang-alaga po kasi lahat ng shots ni Direk Dom (Dominic Zapata). “Iyan po talaga ang isa sa mga forte niya bukod sa galing ng direksyon. Yung mga shots po naming dalawa ni Marian, alagang-alaga.

“Lahat ng magagandang anggulo, nakukuha po ni Direk Dom. At saka pinaghandaan ko rin po ito. Eto nagpatubo ako ng facial hair, nagpapayat po ako, nag-gym po ako.

Siyempre para mag-iba na rin ang hitsura, para hindi naman po ma-typecast lagi sa boy-next-door. Tapos na po ako doon sa tween-tween image po, e. Mature na po ngayon,” dagdag ni Alden.

Paano naman niya pinaghandaan ang mga sensitibong eksena nila ni Marian, lalo na ang kanilang kissing scene. Sey ng binata, kaunting adjustment na lang ang ginawa niya dahil matagal na naman silang magkakilala ni Marian, at ilang beses na rin silang nagkasama sa mga proyekto ng Siyete.

“Si Yan kasi very supportive na sa akin kahit noon pa. Silang dalawa ni Kuya Dong Dingdong Dantes) talagang very supportive. Kaya noong malaman ko po na magiging leading man ako ni Yan, alam ko na hindi na po ako mahihirapan,” chika ni Alden.

So, kumusta nga ang halikan nila ng bago niyang ka-loveteam? “Siyempre po kabado. Kasi po first kissing scene naming dalawa ni Yan yun, e. So, siyempre kailangan hindi ako mapahiya, hindi mapa-take two dahil sa akin.

So, ni-relax ko po yung sarili ko para mahalikan ko po si Yan. Tsaka todo-toothbrush talaga! Ha-hahaha!”  Dagdag ni Alden, tinuruan din siya ni Marian kung paano ang tamang paghalik. Magsisimula na ang Carmela sa Jan. 27 sa GMA TeleBabad.

( Photo credit to Google )

Read more...