DEDMA lang ang bagong prinsesa ng ABS-CBN na si Julia Barretto sa mga bashers niya sa social media, unti-unti na rin kasi niyang natututunan ang sistema sa showbiz – lalo na ang pagtanggap sa katotohanan na hindi lahat ng tao ay magugustuhan ang mga ginagawa niya.
Meron kasing mga taong walang bilib sa dalagita, sey ng mga tsismosa maganda lang daw siya at walang talent, at nega rin daw ang pamilya niya kaya huwag na raw siyang umasang magiging successful ang mga proyektong gagawin niya sa ABS-CBN.
Pero sa halip na maapektuhan sa mga naglalabasang kanegahan, uubusin na lang daw niya ang kanyang panahon at energy sa mga positibong bagay at gagawin ang lahat para mapaligaya ang mga taong sumusuporta at nagtitiwala sa kanya.
Samantala, malapit nang mapanood ang launching project ni Julia sa Dos, ang seryeng Mirabella kung saan makakasama niya sina Enrique Gil at Sam Concepcion.
At sey ng anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, napaka-gentleman ng dalawang leading man miya.”I actually learned a lot from them acting-wise and yeah just that.
And just being on set and there’s so many things that I actually learn from them and it might take so long for me to answer that, everything acting-wise I’ve learned something from them,” tsika pa ni Mirabella sa interview ng ABS-CBN.
Sa katunayan, isang magandang pagkakaibigan na raw ang nabuo sa kanilang, “They’re both nice guys and they’re both very easy and fun to work with and they are very patient with me despite my weirdness.
I am really happy to be working with them.” Inamin din ng dalagita na hanggang ngayon ay overwhelming pa rin ang blessings na dumarating sa kanya, “I guess it’s every actor’s dream to have their own soap opera.
I’m so blessed to be given this opportunity and I’m so thankful, I’m so happy and sana talaga maging successful ‘to. I’m really praying hard.”
Hirit pa ng bagets, “People need to watch it because it’s about family, love, it’s accepting somebody despite how they look and it’s really on their personalities.
(It’s about) friendship, everything is there, so it’s a soap for everybody. Hopefully a lot of people can learn from this soap because there are so many lessons to pick up and hopefully it will be a hit.”
“I’m really praying that 2014 would be a great successful year and that my career will take off and I’m just wishing for the best for 2014,” pahabol pa ng young actress.
( Photo credit to Google )