Nakakolekta ng BF | Bandera

Nakakolekta ng BF

Joseph Greenfield - January 20, 2014 - 03:27 AM

Sulat mula kay Dominga,  ng Opol, Misamis, Oriental
Dear Sir Greenfield,
Nakarami na ako sa naging mga boyfriend kaya naman, tinatawag nila akong taga-kolekta ng lalaki.  Walang nagtatagal at isa lang kasi ang nais nila—ang paglaruan ang puso ng babae na kanilang nabola at parausan na lamang.  Hindi na ako kinikibo ng ilang kamag-anak at hindi ko alam kung ikinahihiya na rin nila ako.  Sa bawat relasyon na babagsak ay sinisikap ko naman itong iligtas.  Pero hanggang doon na lamang ang aking magagawa, hanggang sa tuluyan nang gumuho at luluha na naman ako.  May mga manliligaw na naman at natatakot ako na muling magkamali.  Payuhan mo ako. Dalawa ang nangungulit, isang isinilang noong  Jan. 20, 1990 at isang isinilang noong Jan. 11, 1989. April 23, 1991 ang birthday ko. Sino sa kanila ang dapat kong piliin?
Umaasa,
Dominga, ng Opol, Misamis, Oriental
Solusyon/Analaysis:
Palmistry:
Medyo magulo at may bilog kasi ang Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, hindi nga gaanong magiging maganda ang karanasan mo sa pag-ibig sa simula ng iyong pagdadalaga. Pero pagtuntong mo ng edad 25 pataas, unti-unti nang maayos ang iyong love life, hanggang sa tuluyan kang lumigaya (Illustration 1. arrow 2.).
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Queen of Clubs at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taon, sa Enero, magkaka-boyfriend ka na, at ang nasabing lalaki ay kayumanggi ang balat, mabait at magiging tapat sa kanyang pag-ibig sa iyo habambuhay.  Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending