HOROSCOPE, January 20, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, January 20, 2014

Madam Sophia - January 20, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:   Ang pagdadalawang-isip ang magtutulak sa kabiguan. Panatiliin ang pagiging buo ng loob. Tandaan na ang taong buo ang loob ang suwerte at ligaya ay lubos.  Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Blue at green ang buenas.   
Aries – (Marso 21-April 19)  —   Hindi darating ang suwerte kung puro hintay lang ang ginagawa. Damihan ang pagkilos na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang matiyagang pakikipag-bolahan sa kasuyong nagpapa-hard to get.  Mapalad ang 1, 14, 23, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” Silver t red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)  —  Ingatan ang natitirang salapi! Wag kang gastos nang gastos nang walang kabuluhan. Sa pag-ibig, ipatago ang hawak na pera sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 6, 10, 29, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla-Om.” Apple green at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—    Hindi dapat sarilinin ang mga problema. Hingin ang opinyon ng mga kaibigan, sa ganyang paraan ay hindi ka mamali ng desisyon. Sa pag-ibig, isang dating BFF ang may lihim na pagnanasa sa iyo, hindi mo pa ba nahahalata? Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bis-Bnevit-Om.” Red at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)  —  Mag-ipon ng maraming pera sapagkat ang salapi ay lubhang makapangyarihan. Sa pinansiyal, tandaan na ang maraming salapi ay nagdudulot ng ligaya sa buong pamilya. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Orange at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—  Kahit mahilig kumontra ang kasuyo ay hindi mo dapat i-itsapuwera ang kanyang opinyon. Ano ang malay mo dahil sa pakikinig at pagsunod  sa iyong kasuyo, siya pa ang maging daan upang lalong umunlad ang inyong pamumuhay? Mapalad ang 3, 12, 18, 33, 41, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Beige at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—      Mas madaling matupad ang mga pangarap kung isulat ito sa typewriting paper at ipaskel sa dingding na madalas mong makita. Sa ganyang paraan, five years from now ay kusang magkakaroon ng katuparan ang mga pangarap mo sa buhay. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Red at blue  ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) —          Disiplinahin ang sarili. Iwasan ang pagiging matakaw upang hindi ka masyadong tumaba. Sa pag-ibig at salapi, kasaganaan at maligayang relasyo ang hatid ng isang Virgo. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Om.”  Lilac at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)   —    Itigil ang page-ekperimento na may kaugnayan sa negosyo, gayong wala ka namang  kinikita, sa halip paluwal ka lang. Sa pag-ibig, itapon na sa basurahan ang pride at humingi ng sorry sa kasuyong matampuhin upang muling mabuo ang relasyon. Mapalad ang 5, 18, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Om.” Blue at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—    Mahirap talagang kitain ang pera kaya huwag kang gasta nang gasta. Tigilan na rin ang pangungutang sa mga Bumbay. Sa darating na Valentine’s Day, simpleng selebrasyon na lang ang dapat sa isang lugar na malapit sa nature.  Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra:  Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Green at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Maging romantiko at caring sa kasuyo upang hindi ka niya ipagpalit sa iba. Sa pinansyal, isa-isang negosyo lang ang dapat ipatupad sa bawat taon upang huwag magulo ang iyong konsentrasyon. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Kahit medyo luhaan sa aspetong emosyonal sa aspetong pang-materyal tuloy  pa rin naman ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Upang makatagpo ng pang habambuhay na kasuyo isa alang-alang silang may zodiac sign na Libra. Mapalad ang 1, 7, 19, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)  —      Kung hindi masyadong naging maganda ang pasok ng pera sa nakaraang taon, umasa kang pagpasok ng buwan ng Pebrero ay mabilis na uling dadami ang pera. Sa pag-ibig, kapag nagkapera ay ilibre naman ang kasuyo sa isang mamahaling restaurant. Mapalad ang 4, 10, 28, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Yellow at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending