Buboy kinalimutan ang pambababae, mas trip magbabad sa Bible Study

By Julie Bonifacio January 20,2014
share this

Buboy kinalimutan ang pambababae, mas trip magbabad sa Bible Study

By Julie Bonifacio January 20,2014 - 03:00 AM

KINUMUSTA namin kay Bayani Agbayani ang close friend niya na si Cesar Montano. Sunud-sunod kasi ang dagok sa buhay ng aktor and recently, nadesisyon na ng korte na ibigay kay Sunshine Cruz ang full custody ng mga anak nila ni Cesar.

“Si Cesar, okey naman siya. Ah, nalampasan niya lahat. Alam mo mabibigat ang nangyari kay Cesar. Umpisa sa politika, pagkamatay  ng anak niya, nahiwalay.

Pero nang dahil sa paniniwala at pagtitiwala niya sa Panginoon, kaya niya  lahat. Nakikita ko naman, e,” pahayag ni Bayani.
Magkapitbahay sa isang subdivision sa Commonwealth sina Bayani at Cesar.

Kaya madali niyang napapasyalan ang kaibigang aktor.  Kasama raw ni Cesar sa bahay ang ina nito na maysakit. ” Inaalagaan niya ang ina niya na maysakit.

Tapos mga kapatid niya pumupunta doon kapag may Bible study. Ang mga anak niya pumupunta rin sa kanya. ‘Yung tatlo (anak nila ni Sunshine Cruz) salit-salitan sila ni Shine nang pag-aalaga,” kwento ni Bayani.

Pati rin daw ang anak ni Cesar kay Teresa Loyzaga na si Diego ay madalas daw pumupunta sa kanyang ama,  “Nagba-Bible study din ‘yun. Kailangan naman ng bata kasi tagal din niyang nawalay kay Cesar.

Kahit may condo na siya, lagi rin siyang nasa bahay ni Cesar. Kasi  siya rin ang nagsu-support kay Diego. Pati, lahat. Kanya ‘tung kotse ni Diego. Ibinili ni Cesar ng kotse si Diego, ” lahad ni Bayani.

Ever since raw sinusuportahan ni Cesar si Diego maging sa pag-aaral ng anak nila ni Teresa.”Saka  ‘yung bata ano talaga sa tatay niya. Kasi alam niya wala na si Angelo, e. Siya na lang talaga ang lalaking anak ni Cesar.

Nakikita ko lagi sa bahay ni Cesar si Diego. Pinapangaralan ko nga, e, syempre bata at guwapo,” sabi pa niya. Wala raw lovelife ngayon si Cesar,  “Ang pag-ibig niya nasa Diyos.

Sabi ko nga sa kanya, huwag kang magsasara ng pinto. Malay mo kapag nakita ni Shine na ganyan na ang pamumuhay mo, lalo kang napapalapit sa Diyos, siya na ang kusang babalik sa ‘yo.”

On his personal life naman sobrang nagpapasalamat si Bayani dahil sa loob ng 18 taon aktibo pa rin siya sa showbiz. Thankful siya sa Lord kasi maganda ang pasok ng 2014 sa kanya.

May movie siya with Daniel Razon ng UNTV, ang part II ng “Isang Araw.” Siya ang sidekick ni Daniel sa movie at kontrabida naman si Rey “PJ” Abellana. Si Daniel din ang nagdirek ng pelikula.

Sayang lang at hindi sila umabot sa deadline ng MMFF last year. Pero isasali naman daw nila sa ibang international filmfest ang “Isang Araw.”

May show si Bayani sa TV5 kasama ang Megastar na si  Sharon Cuneta, ang Madame Chairman. Bukod diyan, may bago rin daw siyang tawa-serye with Ogie Alcasid.

And then, may gagawin pa siyang pelikula na mismong si Sharon Cuneta ang magpoprodyus. Ang title ng movie na siya rin ang sumulat ay “A Short Story.”

“Actually, hindi ako sumali doon sa contest (ni Megastar). Ibinigay ko sa kanya ‘yung synopsis. Walang bayad, libre lang. Ipo-produce niya, ako ang magiging bida, e,” excited na sabi pa ni Bayani.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending