Durant kumana ng 54 puntos sa panalo ng Thunder sa Warriors


OKLAHOMA CITY — Gumawa si Kevin Durant ng career-high 54 puntos para ihatid ang Oklahoma City Thunder sa panalo laban sa Golden State Warriors, 127-121, sa kanilang NBA game kahapon.

Si Durant ay nagpasok ng 19 of 28 field goals at 11 of 13 free throws sa kanyang ikatlong sunod na laro na umiskor siya ng aabot sa 36 puntos.

Si Serge Ibaka ay nag-ambag ng 21 puntos at walong rebounds, si Reggie Jackson ay nagdagdag ng 14 puntos at si Kendrick Perkins ay humabglot ng 12 rebounds para sa Thunder (30-10), na nagwagi sa ikatlong pagkakataon sa apat na laro.

Tumira ang Oklahoma City ng 58 percent mula sa field at umiskor ng season-high point total. Si Stephen Curry ay nagtala ng 37 puntos at 11 assists habang si Klay Thompson ay nagdagdag ng 26 puntos para sa Warriors (25-16), na tumira ng 52 percent subalit hindi natapatan ang mahusay na paglalaro ni Durant.

Heat 101, 76ers 86
Sa Philadelphia, si LeBron James ay kumana ng 21 puntos, 10 assists at walong rebounds para tulungan ang Miami Heat na putulin ang three-game losing streak.

Si Chris Bosh ay umiskor ng 25 puntos habang sina Norris Cole at Shane Battier ay may tig-13 puntos para sa Heat na naiwasan ang four-game losing streak na nangyari noong Marso 2011.

Ang Heat ay natalo sa New York Knicks, Brooklyn Nets at Washington Wizards subalit hindi naman sila nahirapan laban sa Sixers.

Ang two-time defending NBA champion Heat ay nakalamang ng 25 puntos at nakabawi rin sa 114-110 pagkatalo sa Philadelphia noong Oktubre.

Pinangunahan ni Tony Wroten ang Sixers sa kinamadang 13 puntos habang si Spencer Hawes ay may 10 puntos at 10 rebounds.
Si Miami star Dwyane Wade, na wala sa unang laro kontra Sixers, ay umiskor ng walong puntos sa kanyang ika-32 kaarawan.

Blazers 109, Spurs 100
Sa San Antonio, kumana si LaMarcus Aldridge ng 26 puntos at 13 rebounds habang si Wesley Matthews ay gumawa ng 24 puntos para pangunahan ang Portland Trail Blazers sa panalo laban sa San Antonio Spurs.

Nagtala naman si Damian Lillard ng 21 puntos at walong assists at si Mo Williams ay nag-ambag ng 13 puntos para sa Portland na winakasan ang six-game winning streak ng San Antonio.

Si Matthews ay tumira rin ng 6 for 7 mula sa 3-point line. Si Manu Ginobili ay gumawa ng season-high 29 puntos habang sina Boris Diaw at Marco Belinelli ay nagdagdag ng tig-14 puntos para sa Spurs.

Si Tim Duncan ay may 13 puntos at si Tony Parker ay nag-ambag ng 12 puntos subalit nagsanib lamang sila sa walong puntos sa second half.

( Photo credit to INS )

Read more...