Mariel ayaw nang kunin uli ng ABS-CBN bilang host ng PBB


Mukhang hindi pa makakabalik sa ABS-CBN si Mariel Rodriguez dahil base sa tsika sa amin, si Toni Gonzaga lang ang magiging host sa nalalapit na pagbubukas ng Pinoy Big Brother Teens.

Kaya ang tanong, kaya ba ng dalaga na magsolo sa nasabing show? Kaya pala nasa vacation mode pa rin si Mariel dahil balita namin ay magbabakasyon sila ni Robin Padilla sa Europe sa buong buwan ng Pebrero para roon i-celebrate ang Araw ng mga Puso.

Pero bago sila umalis ay kailangan nilang i-promote ang nalalapit nilang pelikula na “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak” na pagbibidahan ng buong angkan ng Padilla sa pangunguna nina Robin, Mariel, Kylie, Bela, RJ, Matthew, Gideon, Royette, Rommel, Queenie at Daniel with the special participation of Kathryn Bernardo.

Ipalalabas na ito sa Enero 29 mula sa RCP Productions na iri-release naman ng Star Cinema. Ang nasabing pelikula ay ang dating “Kuratong Baleleng” na hindi inaprubahan ang titulo dahil baka raw makunek kay Sen. Pamfilo Lacson.

Going back to Mariel ay nakakahinayang naman na wala pa rin siyang offer ngayon bilang host dahil sayang naman ang talent niya sa hosting.

As of now ay nakikita namin sa Instagram account niya na panay ang post niya ng ginagawa niyang inumin at recipe, na organic lahat. Tinext namin at kinumusta ang sagot sa amin ay, “Enjoying may vacation.”

Susme, e, apat na buwan na siyang bakasyon, hindi pa kaya siya nabuburyong sa buhay niya na puro halaman at kung anu-anong herbs ang kasama niya?

( Photo credit to Google )

Read more...