Kim: Babu Xian Lim…itatambal na kay Coco


SI Kim Chiu pala ang bagong leading man ni Coco Martin sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN at take note, bossing Ervin, hindi na kasama ang ka-loveteam ng aktres na si Xian Lim sa proyektong ito.

Ibig sabihin ay pinaghiwalay na ng ABS-CBN management ang KimXi loveteam? Ano kaya ang sasabihin ng napakaraming supporters ng dalawa?

Nasa Gazebo kasi kami kamakailan at narinig namin ang tsikahang sina Coco at Kim na ang bagong loveteam ng Dos at makakasama rin daw dito sina Jake Cuenta at Julia Montes.

Kamakailan din ay nakita naman namin si Xyriel Manabat na sinusukatan para raw sa costume niya sa serye ni Coco kaya siguradong kasama rin ang magaling na bagets sa nasabing serye ni Coco.

At base sa pagtatanong namin, ang titulo raw ng bagong soap ni Coco ay Ikaw Lamang na isang period serye, sabi ng aming source.

( Photo credit to Google )

Read more...