Sylvia Sanchez planong pasukin ang politika sa Mindanao


Tulog na ang daughter ni Sylvia Sanchez na si Ria Atayde nu’ng dumating kami sa bahay nila sa White Plains. Marami sana kaming itatanong kay Ria regardeng her cousin and best friend Coleen Garcia.

Pero sabi ni Sylvia, knowing Ria, hindi raw magkukwento ang kanyang anak. Not even to her nga raw ay nagsasabi ito about Coleen. Among Sylvia’s children, si Ria ang unang makaka-graduate sa college.

Proud parents talaga si Sylvia and her hubby na si Art Atayde and excited na sila sa graduation ni Ria sa darating na Hunyo. Magtatapos ng kursong Liacom si Ria sa De La Salle University.

Then after that, gorabels na si Ria sa Spain para kumuha ng short courses for two months saka magpapahinga for one and a half months bago bumalik ng Pilipinas, “Pagbalik niya rito magso-showbiz na siya.

Ayaw niya ng broadcaster, e. Malakas talaga ang dugo ko,” sabay tawa ni Sylvia. Gusto nga raw nila ni Art na mag-aral pa ng law si Ria o kahit ano pang mabibigat na kurso, pero mas gusto na raw nito na pasukin ang showbiz gaya ng kapatid na si Arjo Atayde.

“Bahala siya, kapag artista na silang magkakapatid, magre-retire na ako sa showbiz. Bubuhayin na lang nila ako at si Art. Ha-hahaha!”

Feeling naman namin later on baka pasukin niya ang politika at tumakbo sa kanyang lalawigan sa Nasipit, Agusan del Norte sa Mindanao. Walang tigil kasi ang pagtulong doon ni Sylvia kahit wala naman siya sa gobyerno.

“Naku, ayoko. Ayoko ng sakit ng ulo. Masaya ako sa buhay ko,” aniya.

( Photo credit to E Santiago )

Read more...