Anne kailangang layasan ang Showtime kapalit ng Dyesebel?


Kung si Anne Curtis ay kinailangan nang puspusang training sa swimming para sa project niyang Dyesebel ay hindi naman kinailangan na ni Sam Milby dahil isang araw lang siyang pinalangoy ng trainor nila ng aktres ay hindi na siya pinabalik pa dahil magaling na raw sa underwater.

Isang syokoy ang papel ni Sam sa Dyesebel at base sa nakitang paglangoy ng aktor ay para siyang si Patrick Duffy na bida sa “Man From Atlantis” na nag-hit noong 1977.

Kuwento sa amin ng taga-Dos, “Nag-training si Sam pero isang araw lang, hindi na siya pinabalik sa second day kasi magaling na siyang lumangoy.”

Iisa ang trainor nina Sam at Anne  pero magkaiba sila ng lugar ng pinag-treyningan dahil ang aktres ay sa Philippine Mermaid Swimming Academy.

At habang hindi pa busy si Sam sa Dyesebel ay nagpunta muna siya ng Hongkong para kumuha ng short course tungkol sa coffee business.

Magtatayo raw ng coffee business si Sam dito sa Pilipinas kasosyo ang kaibigang si Dom Hernandez na partner din niya sa Prost German Restaurant na matatagpuan sa The Strip, Global City.

“E, mahilig din naman magkape si Sam, e, di might as well pakinabangan niya ang pagiging coffee drinker niya at doon na siya tatambay during his free time,” kaswal na sabi sa amin ng road manager ng aktor na si Caress Caballero.

Samantala, tuwang-tuwa ang fans nina Sam at Anne na muli silang magtatambal sa Dyesebel dahil matagal na raw nilang hinihintay ang pagbabalik-tambalan ng dalawa.

Trulili kaya ang sitsit sa amin na sa Palawan ang location ng Dyesebel at magakakaroon din daw ito ng sariling studio na kaya ang mga underwater scenes?

Bongga naman ng show ni Anne, talagang pinaghahandaan ng todo ng Dreamscape Entertainment. Kung matutuloy sa Palawan, paano na ang It’s Showtime ni Anne?

Parang masyadong magastos yata kung pabalik-balik siya ng Maynila at Palawan para sa programang pang-tanghali? Posible kaya na iwan niya muna pansamantala ang Showtime habang ginagawa niya ang bago niyang teleserye?

Pumayag kaya siya kung mag-demand ang production na mag-concentrate muna siya sa Dyesebel? Samantala, nu’ng huling makausap namin si Sam ay inamin niyang wala na siyang panahong manligaw ngayon lalo’t kaliwa’t kanan ang projects niya dahil bukod sa Dyesebel ay nag-resume na sila ng shooting ni Anne at ni Cristine Reyes para sa “The Gift” mula sa Viva Films at may gagawin din siya sa Star Cinema.

Nalaman din naming may offer kay Sam ang Regal Entertainment kung saan makakasama ang ilang Kapuso stars, pero hindi pa namin alam kung nahanapan na ito ng schedule ng aktor dahil nga sagasa ito sa taping ng Dyesebel.

( Photo credit to Google )

 

Read more...