Baka mapindeho (2) | Bandera

Baka mapindeho (2)

Joseph Greenfield - January 17, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Lito ng San Dionisio, Iloilo
Problema:
1.      Nagtapat ang girlfiend ko na may nakauna na sa kanya habang ipinagdiriwang namin ang isang taon naming relasyon.  At sinabi pa niya sa akin kung sino ang nakauna sa kanya.  Bumagsak ang langit sa akin at nais ko nang lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa panlulumo.  Napakasakit dahil hindi pa ako nakakatikim ng babae.
2. Daig pa talaga niya ako.  Seryoso ako sa kanya at handa akong pakasalan siya pero sa kanyang pagtatapat ay natatakot ako na baka mapindeho lang ako.  Nanghihinayang ako dahil matamis ang aming relasyon hanggang sa pumutok ang masamang balita.  Siya ba ang mapapangasawa ko?  Magiging maligaya kaya ako sa kanya?
Umaasa,
Lito ng San Dionisio, Iloilo
Solusyon/Analysis:
Astrology:
       Ayon sa zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.)  at Taurus naman ang girlfriend mo compatible kayo. Ibig sabihin, walang kaugnayan ang virginity sa pagiging magka-compatible n’yong dalawa. Dahil nga tugma kayo ay malaki ang tsansa na kayo na ang magkakatuluyan.
Numerology:
Samantala, ayon sa birth date mo at ng girlfriend mo, tulad sa astrology ay tunay ngang tugma at compatible kayo. Ibig sabihin kahit nga sa numerology at astrology talagang tugma kayo sa isa’t isa, at sa bandang huli kayo na nga ang magkakatuluyan.
Luscher Color Test:
Kung asul ang laging isinusuot na kulay ng iyong GF o mayroon siyang damit na kulay asul at iyon ang paborito n’yong suotin ay tiyak ang magaganap—kayo na nga ang magkakatuluyan sapagkat isang babaing madalas magsuot ng asul at puti ang nakatakda mong mapapangasawa at makakasama habambuhay.
Huling Payo at Paalala:
Lito, anuman ang panlabas na hitsura ng babae at sabihin na rin nating hindi na siya virgin, wala namang kaugnayan iyon sa ugali niya at sa laman ng kanyang puso. Ganoon din sa pag-ibig. Kahit na hindi na virgin ang GF mo kung sadyang mahal ka niya, tulad ng nasabi na, kayo pa rin ang magkakatuluyan at nakatakdang magsama habambuhay. Nakatakda itong maganap sa susunod na taon 2015.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending