Angel manloloko raw, ginamit lang na panakip-butas si Phil

ANGEL LOCSIN, PHIL YOUNGHUSBAND AT LUIS MANZANO

ANGEL Locsin’s recent statement na mahal pa rin niya si Luis Manzano reeks of pre-publicity for her new soap.

Amoy na amoy na for promo slant ng kanyang bagong teleserye sa ABS-CBN ang tinuran niya sa isang conference recently.

Narito ang naging statement ni Angel when she was asked during an interview kung mahal pa rin ba niya si Luis until now: “Oo mahal, mahal naman. Nandiyan yung love, hindi naman nawala, eh. Pero hindi naman ibig sabihin nu’n magiging kayo ulit or magkakabalikan kayo, di ba? Kasi kailangan pag-usapan muna yung napakaraming nangyari sa amin.

“Alam kong maraming magre-react dito sa sinabi ko pero pasensiya na kayo ayoko lang talagang magsinungaling. Unang beses itong natanong sa akin so sinasabi ko lang naman ang totoo,” she told the media.

Hindi naman daw siya natatakot sa mga sasabihin ng mga tao sa naging pahayag niya about Luis, “Ganu’n talaga eh. Siguro mas gusto ko nang magalit ang tao kesa lokohin ko ang mga tao di ba? Mas konsensya ko naman yun. Pasensya na gusto ko lang maging honest talaga.

“Importante talaga sa akin yun. Kailan ba ako nagsinungaling sa inyo di ba? Alam kong mapapahamak ako dito sa sinabi ko,” she added.

Angel also said na nag-uusap na sila uli ngayon ni Luis, “Pinag-uusapan naming yung mga bagay na hidni naming napag-usapan noon.

“Though nandu’n pa lang kami kasi siyempre pareho kaming galing break-up din naman. Pero masaya ako. Masaya ako na okay na kami. Kasi hindi talaga kami nag-uusap ni Luis. Hindi kami mag-away pero iniiwasan lang talaga namin yung isa’t isa.”

Mas marami ang naniniwalang gumigimik itong si Angel para pag-usapan ang kanyang soap. Also, many felt sorry for Phil Younghusband, Angel’s former BF, kasi parang lumalabas na hindi niya ito tunay na minahal at parang ginamit lang niya ang football player bilang panakip-butas.

“Respeto nmn ke phil..angel….walang problema kung mahal mo pa luis..pero sana inisip mo yung feelings ni phil bilang tao na lng..ngpaparamdam ka ba ke luis komo binisita ka sa bahay,” one guy said.

“Respeto na lng sana dun sa tao…si phil so ginamit nya lng si phil gnun ba yun,” pagsang-ayon naman ng isa pa.
Somebody felt that Angel’s statement is an “OA PUBLICITY”, bagay na sinang-ayunan naman ng isang guy who said, “Tamah publicity talaga kung mahal nya sana noon nya pa sinabi.”

But as what Angel told the press, handa na siya sa mga ganitong klase ng mga comment, she knows na hindi lahat ay magugustuhan ang ginawa niyang pag-amin about her true feelings for Luis.
Pero ang nakakatakot nga rito, baka manega nang tuluyan ang kanyang bagong teleserye.

Read more...